Mga sikat na artistang nakapagtapos ng kolehiyo, kilalanin!



Malaki ang pagpapahalaga nating mga Pilipino sa pag-aaral. Naging malaking bahagi ng tagumpay ng isang tao ang napagtapusan nito sa Kolehiyo. Ang edukasyon ay tatak sa iilan lamang na mga bagay na makapag-aahon sa atin sa kahirapan. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang pag-aartista ay ilan lamang sa mga trabahong talaga namang malaki ang kita. Ngunit kahit pa ganun ang katotohanan, ilan sa mga artistang ito ba ating hinahangaan ay nagpursige pa rin upang makatapos ng pag-aaral at makamit ang kanilang mga diploma.

Rocco Nacino



Source:instagram.com/nacinorocco/?hl=en

Nakilala si Rocco Nacino sa pagsali niya sa Starstruck ng GMA 7. Siya ay nagtapos sa Mapua Institute of Technology sa Makati at nagtatatrabaho siya bilang isang registered nurse.


Robi Domingo

Source:instagram.com/iamrobidomingo/?hl=en


Kilala siya bilang host ng sikat na Pinoy Big Brother, ngunit bago siya sumabak sa industriya, nagtapos siya ng kursong Health Sciences sa Ateneo de Manila University.

Carla Abellana



Source:instagram.com/carlaangeline/

Nagtapos ang Kapuso aktres na ito ng Psychology sa De La Salle University bilang cum laude sa kabila ng pagsasabay niya ng trabaho at pag-aaral.

Dingdong Dantes

Source:instagram.com/dongdantes/?hl=en



Nagtapos ang Kapuso royalty na ito ng kursong Business Administration major in Marketing sa Western Negros University. Isa siya sa “highest-paid actor” ng GMA network.

Marian Rivera

Source:instagram.com/marianrivera/?hl=en

Bago pa man siya maging artista ay nakapagtapos na siya ng kursong Arts and Psychology sa De La Salle University.

Maine Mendoza

Source:instagram.com/mainedcm/?hl=en

Sumikat bilang si “Yaya dub” ng Eat Bulaga, nagtapos siya ng Hotel, Restaurant and Institution Management Majoring in Culinary Arts at De La Salle University – College of St. Benilde.

Vice Ganda

Source:instagram.com/praybeytbenjamin/?hl=en

Ang unkabogable Vice Ganda na hinahangaan ng marami sa kahusayan nito sa pagpapatawa, hosting at pag-arte, ay nagtapos ng Political Science sa
FEU.

Tunay ngang kahanga-hanga ang kanilang pagpupursige upang makapagtapos ng pag-aaral na dapat gawing huwaran ng nakararami.




error: Content is protected !!