Litrato ng mga bata natutulog sa kariton habang nagtitinda ang kanilang mga magulang kumakalat sa social media



Tunay ngang ramdam na ramdam na ni Juan ang hirap ng buhay, kahit anong pilit pa na higpit ng sinturon ay talaga namang hindi pa rin nag-aabot abot ang budget sa pamilya. Lalo na sa ngayon na kaliwa’t kanan ang taas ng presyo mula sa bigas, baboy, isda at mga gulay.



Di rin maikakaila ang labis na pagtaas ng pamasahe at ng gasolina na talaga namang iniinda ng bawat Pilipino. Kasabay pa nito ang di mabilang na gastusin sa kuryente at tubig, maging ang mga pambaon ng mga anak na estudyante at mga magulang na nagtatrabaho.

Patungkol dito, kumakalat sa social media ang larawan ng magkapatid na natutulog sa loob mismo kariton at sa bandang itaas nila ay ang mga rambutan na tinitinda ng kanilang mga magulang. Mapapansin sa nasabing larawan na ang mga bata ay nasa tatlo hanggang apat na taong gulang pa lamang. Marahil ay kaya sila sinasama ng kanilang mga magulang ay upang maalagaan sila ng maayos kasabay ng paghahanapbuhay ng mga ito.




Si Shair Joy Mendelez ang netizen na nakasaksi sa pangyayaring ito kasabay ng pagpapa-alala sa mga mamimili na tangkilikin ang mga ito dahil mas pinipili nilang maghanap buhay ng marangal kaysa gumawa ng ibang mga bagay. Tunay ngang kahanga-hanga ang mga magulang na patuloy na nagpupursige para sa kapakanan ng kanilang mga anak. Mahirap man ang mga bagay na kanilang nararanasan hindi pa rin nawawala ang kanilang pagkakaisa at pagmamahalan bilang isang pamilya.

Ito ay maliwanag na patunay sa hirap na dinaranas ng bawat pamilyang Pilipino lalo na ngayon at sobrang taas ng mga bilihin. Hikahos mang matatawag, at hirap man sa buhay ang pamilyang ito, patuloy pa rin silang lumalaban sa hamon ng buhay. Hindi sila nagpapatinag at nagpapadala sa hirap ng buhay bagkus ito ay nagiging rason nila upang mas lumaban at magpatuloy pa sa buhay.




error: Content is protected !!