Mansion sa tagaytay ni Willie Revillame, kahanga-hanga sa sobrang kagandahan.



Marami sa atin ay nangangarap yumaman. Upang makamit natin ang ating pinapangarap. Pero hindi lahat ay pinagpapala. Minsan ay talagang salat at mahirap ang buhay. Ngunit mayroon din namang mga tao na sa kabila ng kanilang pagsisikap at pag asenso, sila ay hindi pa rin nakaka-limot sa pinanggalingan. Isang halimbawa neto ay si Willie Revillame.

 




Si Kuya Will ay nagsimula bilang isang simpleng tao. Ang kanyang trabaho dati ay pagtitinda ng dyaryo at pagiging “barker” ng jeep. Tunay na nakaka bilib at maraming tao ang hindi alam ang kanyang pinagmulan. Sa kanyang pagsisikap makikita naman na talagang siya ay ginantimpalaan ng malaki.


Sa pagiging mayaman ay hindi niya kinalimutan ang mga nangangailangan. Sa pamamagitan ng mga palabas katulad ng Wowowin ay marami na siyang naibahaging tulong sa taong bayan



Isa si Kuya Wil sa pinaka mayayamang actor sa Pilipinas. Nagmamay-ari siya ng mga mansion, yate, at mga mamamahaling sasakyan. Naka-mamanghang tignan ang isang mala palasyong mansion ni Kuya Wil sa Tagaytay na kung saan ay matatanaw ang Taal Volcano.



Ang mansion ay itinayo sa mataas na lugar upang makita ang ganitong tanawin. Sa sobrang nakakamangha na tanawin ay masasabi mong wala itong katulad. Aksidenteng naibunyag ang Mansion na ito noong siya ay nag “test-drive” ng kanyang bagong sasakyan.


Hindi lamang ang panlabas na itsura ang kahanga-hanga sa mansion ni Kuya Wil, maging ang loob neto ay siguradong nakaka-bilib. Mayroon siyang “Personal Entertainment Room” at napakagandang living room na panigurado ay magarbo ang mga gamit. Ipinakita rin ang kusina kung saan ay siguradong pagluluto ay kagigiliwan dahil sa taglay nitong kaayusan. Ang “Living room” naman ay parang isang sinehan na may malaking “Flat Screen” na TV kung saan ay pwede kang matulog pagkatapos mong manuod ng isang palabas. Naglagay rin siya ng Gym at Swimming pool na talaga namang matutuwa ka dahil sa “view” netong tanaw mo ang Tagaytay. Kapag gabi naman ay mas lalo mong makikita ang kumikinang na ganda ng buong bahay dahil sa mga “LED lights” nito.




Sanay maging halimbawa ang kwento ni Kuya Wil sa ibang tao upang magsumikap at huwag kalimutang tumingin sa pinang-galingan. Malay mo, balang araw ay magkaroon ka rin ng Mansion na katulad nito.

Source: Realliving




error: Content is protected !!