Mga health benefits ng puso ng saging, alamin!



Di lingid sa ating kaalaman na ang puso ng saging ay sikat at kilala lalo na sa mga “superhero movies” na ating napapanuod.



Isang kilalang alamat ang kapangyarihan na taglay ng puso ng saging lalo na kung kabilugan ng buwan at ang puso ng saging ay maglalabas ng katas o dagta na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan.

Ngunit alam naman natin na ito ay kathang-isip lamang. Ang tunay na kapangyarihan ng puso ng saging ay nasa mga benepisyo nito pang-kalusugan. Ilan sa mga benepisyo ng puso ng saging sa ating katawan ay ang sumusunod:

1. Ginagamit itong panggamot sa sakit na “anemia”.



2. Malaking tulong din ang puso ng saging sa mainam na pagtakbo ng kidney.


3. Gamot din ito sa “constipation”.

4. Gamot sa ulcer

5. Nakakatulong sa pagpapababa ng presyon ng dugo

6. Nakapagpapatibay ng bahay-bata

7. Nagtataglay ng mataas na fiber content

8. Tulong din ito sa pagpapalusog ng ating mga puso

9. Nakakatulong din naman ang puso ng saging sa mainam na pagtakbo ng “digestive system”

Ang puso ng saging ay ang mala-kulay pula na nasa bandang ibabang bahagi ng bunga nito. Madalas itong sangkap sa kare-kare, paksiw na baboy, kilawin at ginataang puso ng saging. Tunay ngang masasabing walang tapon sa puno ng saging. Mula sa dahon nito hanggang sa pinakaugat ay may kapakinabangan. At gayun din naman ang mga sustansya at benepisyong pang-kalusugan na handog nito.

Marami pang kapakinabangan ang puno ng saging sa atin, hindi dito nagtatapos ang maraming tulong nito sa atin. Ang puso ng saging aakalain mong basta basta lang ngunit may mabuti pa lang maitutulong sa ating kulusugan. Mga benepisyong alam mong hindi lang din basta basta!

Kaya sa susunod na makakita ka ng puso ng saging, alam mo na! Maging mapagpasalamat dahil biniyayaan tayo ng Poong Maykapal ng mga ganitong uri ng biyaya.




error: Content is protected !!