Sa nagkaka-halagang 1M Pesos na naiwan ng isang foreigner, Sinauli ng isang Taxi Drayber



Marami na tayong narinig na mga kwento tungkol sa pagiging tapat ng Pilipino. Karaniwan sa mga kwentong ito ay natunghayan natin sa “Solian ng Bayan” sa programa ni Raffy Tulfo. Kadalasang nagsasaoli ng mga naiwang gamit ay mga Taxi drayber. Minsan ay ang mga nakakaiwan ng gamit ay mga foreigner. Tunay na nakaka-bilib ang mga angking kabutihan ng mga taong ito. Imbis na angkinin at gamitin nila ang mga naiwang gamit at pera ay mas pinili nilang ibalik ito sa mayari.




Nakakatuwang isipin na likas sa mga Pilipino ang pagiging matapat hindi lamang sa ganitong gawain bagkus maging sa marami pang bagay. Sa hirap ng buhay at sa taas ng bilihin mas pinili nilang mabuhay ng tapat.



Tunay ngang kapag may ginawa kang kabutihan sa kapwa ay babalik ito higit pa sa iyong inaakala. Isang halimbawa ng pagiging matapat ay ang taxi drayber na ang pangalan ay Reggie Cabututan.



Ayon sa post ni ACE ESTRADA II (BPO TRAINING COMPANY Vivixx), ibinahagi niya ang kaganapan na kung saan ay ibinalik sa kanyang kaibigang Australiano ang naiwan netong gamit sa sinasakyang taxi. Nagkaka-halagang isang milyong piso ang naturang mga dokumento kasama pa ang passport, Macbook Pro, at iba pang mga gamit ng Australiano. Ang kadahilanan ng pagiwan ng gamit ay pagmamadali ng sumakay ang naturang foreigner sa Calle Uno, Quezon Hill, Baguio City.


Dahil sa kabutihan ni Mr. Cabututan, ginantimpalaan siya ng halagang P250,000 na iskolarship sa Vivixx Academy at Coder Factory. Sa pamamagitan ng iskolarship at training ay makakapag trabaho siya sa isang Australianong Kumpanya na kung saan ay kikita siya ng 1.7M pesos sa isang taon.




Dahil sa pagiging matapat at mabuti ni Mr. Cabututan ay napatunyan na mayroong mga nabubuhay na mga bayani. Marahil ay pinagmamalaki ka ng iyong pamilya at ng iyong bansa. Karapat-dapat ang nakuhang gantimpala sa mga taong katulad mo. Naway maging aral ito sa karamihan. Dahil ang pag gawa ng kabutihan ay hindi matutumbasan ng kahit anong yaman sa mundo.




error: Content is protected !!