Sila pala ang tinaguriang mga batang pinaka-magagandang mukha sa mundo ngayon



Lahat tayo ay biniyayaan ng aking kagandahan. Bubukod tangi ang angking kagandahan ng bawat isa. Simula pa lamang ng paglabas natin sa mundo, tayo ay minahal at inaruga na ng ating mga magulang dahil sa sobrang kaligayahan. Laging sinasabi sa atin ng ating mga magulang na “Maganda” at “Gwapo” tayo dahil tayo ay pinagkalooban ng kanya-kanyang itsura na nasasalamin sa ating mga magulang.

Mayroong mga kabataan na sadya talagang biniyayaan ng sobrang kagandahan. Dahil sa biyayang ito ay maaaring magamit ito upang sumikat at kumita ng pera. Maaari silang pumasok sa mundo ng showbiz o maging isang modelo. Siyempre, kapag taglay mo itong angking kagandahan dapat mo itong ingatan at alagaan.



Sila ang mga halimbawa ng mga tinaguriang mga batang pinaka-magagandang mukha:

1. Anastasia Knyazeva



Sa murang edad na apat na taong gulang siya ay nag-momodelo na sa GUESS noong 2015. Likas ang pagiging maganda at pagiging photogenic ng bata. Sa kabila ng kanyang pagmomodelo ay mas pinahahalagahan niya pa rin ang kanyang pag-aaral.


2. William Franklyn – Miller



Ang batang ito ay pinanganak sa London at isang residente sa Australia. Nagsimula ang pagsikat niya noong 2016 ng isang “japanese admirer” ng magbahagi ito ng larawan sa internet. Mabilis ang pagkalat at pagsikat niya sa Instagram. Binansagang “Justin Bieber Australian Version” ang batang ito ayon sa isang Japanese News. Sa kagwapuhan ng batang ito ay naging artista na siya simula pa lang ng edad na apat.

3. Anastasia Bezrukova




Ang dalagang ito ay pinanganak sa Russia ng taong 2004. Nagsimula ang kanyang pagsikat sa pag-photoshoot ng kanyang ina sa kanilang lugar. Hindi lubos akalain ng mga magulang niya na sisikat ang kanilang anak. Hindi rin nagtagal ay mabilis at kinukuha na siya ng mga International Magazines katulad ng Vogue Bambini at Harper’s Bazaare. At nagmomodel din ng mga sikat na daamit katulad ng Benetton, Pink, at Armani. Hindi lamang pagmomodel ang alam niya, siya rin ay isang dancer at gymnast. Siya ngayon ay 13 taong gulang.

4. Isabella Rice


Sa edad na pitong taong gulang ay nagsimula na ang kanyang pagiging artista sa Hollywood. Sa murang edad ay nasabak na kaagad siya sa industriya ng drama noong 2013 kasama ang sikat na hollywood actor na si Cloris Leachman. At tuloy-tuloy na ang pag sikat niya at nasama din sa palabas na Glee. Mas lalong umangat ang kanyang pangalan ng nasali siya sa TV Series na “True Blood” bilang Sarah Compton.

5. Laneya Grace


Mala-anghel na may berdeng mata ang taglay ng batang ito. Ipinanganak si Laneya noong 2004 sa San Francisco California. Nagsimula ang kanyang pagsikat noong siya ay tatlong taong gulang ng pinadala ng kanyang magulang ang litrato nya sa FORD. Sa sobrang bilis ng kanyang pagsikat maraming kumpanya ang kumuha sa kanya. Isa na dito ang Guess at Maleficent toys.

6. Kristina Pimenova


Si Kristina Pimenova ang tinaguriang “World’s Most Beautiful Child” noong 2014. Katulad ng kanyang ina na si Glikeriya Shirokova na isa ring modelo, natuklasan ang magandang bata noong sinasama ito ng kanyang ina sa pag-momodelo. At dahil sa angking kagandahan sumakat siya sa edad na tatlong taong gulang. Sa pagsikat niya ay biniyan siya ng mga proyekto ng mga tanyag na kumpanya katulad ng Armani at Dolce and Gabbana.

7. Thylane Blondeau


“Most beautiful kid in the world” naman ang tinawag sa napaka gandang bata na ito. Nagumpisa siyang rumampa sa “Jean-Paul Gaultier”. At sumunod ay naging “cover girl” siya sa “Vogue infants”. Ngunit hindi naging madali ang kanyang pagsikat dahil may ibang kumokontra sa kanya. Pero ang batang ito ay hindi tumigil at mas pinatunayan niyang isa siya sa pinaka magagandang batang modelo sa buong mundo. Ngayon ay 15 na taong gulang na siya at talaga namang makikita natin siya sa mga sikat na damit katulad ng H&M at modelo ng L’Oreal.