Babaeng hindi nagpalit ng kanyang pambabang-kasuotan sa loob ng isang buwan, na-ospital!



Mahalaga ang “personal hygiene” para sa isang indibidwal. Ito ay ang pagpapanatiling malinis ng katawan para sa mabuting kalusugan. Maraming mga gawi upang mapanatili ang kalinisan sa ating katawan. Ngunit, kailan lamang ay nabahala ang karamihan sa netizens dahil sa napabalitang na-ospital ang isang 23-anyos na babae mula Wuhan, Yubei na nagngangalang Fang Fang dahil sa isang buwan niyang pagsusuot ng kanyang panty!



Ayon sa report, umuwi si Fang Fang ng sumasakit ang kanyang tiyan at dahil dito ay nagpakonsulta siya kaagad sa doktor kung saan niya nalaman na siya pala ay may sakit na tumutubo sa kanyang “vulva”. Ang kondisyong ito ay napakabihira sa kanyang edad dahil ito ay kadalasang nangyayari sa mga “menopausal” na kababaihan. Kahit pa nakakaramdam na siya ng hindi maganda sa kanyang pangangatawan noon hindi pa rin niya ito binigyang pansin. Napag-alaman na ang rason nito ay ang kanyang “poor personal hygiene”.


Inamin pa ni Fang Fang na siya ay medyo may katamaran kung kaya’t madalang niyang nilalabhan ang kanyang mga damit pang-loob. Kahit pa siya ay mayroong buwanang daloy, pinupunasan niya lang ang kanyang panloob at patuloy pa rin itong sinusuot sa loob ng isang buwan!



“I am a bit lazy and I rarely wash my underclothes. When I get my period I will continue wearing the same underwear for about a month and clean it with some tissue.”


Marami ang nabahala sa viral post na ito online. Marami din naman ang nagulat na dahil lamang sa pagwawalang-bahala sa “personal hygiene” ay magdudulot at magreresulta pala ito sa ganitong kalala na sitwasyon. Nawa, ito ay maging paalala at babala sa mga taong nagpapabaya sa kanilang pangsariling kalinisan.



Maaaring abala tayo sa araw-araw nating gawain at responsibilidad nararapat din lamang na bigyang-pansin ang ating sarili at matuto tayong mahalin at pahalagahan ang ating sariling kalusugan.




error: Content is protected !!