Iba’t-ibang negosyo ni Manny Pacquiao, isa-isahin!



Kilala bilang “Pambansang Kamao” ng Pilipinas at ang kauna-unahang “Eight Division World Champion” na may sampung titulo si Emmanuel “Manny” Pacquiao.
Nagmula man sa mahirap na pamilya noon, pilit siyang nagsumikap kung kaya ngayon ay natamo na niya ang matagal niyang inaasam na tagumpay. 2015 ng tinanghal siya ng Forbes Magazine na “Worlds Second Highest Paid Athlete”. Mula sa magagarang sasakyan, at mansyon, maging sa mga negosyo tunay ngang siya ay isang inspirasyon sa nakararami.
Kahit pa siya ay matagumpay na, patuloy pa rin siyang nag-iisip ng mga paraan para mapalago ang mga negosyo. Ilan na lamang sa kanyang mga negosyo ay ang mga sumusunod.



1. Waterotor Energy Technologies

Ang Ottawa-based clean technology company na ito ay partner ni Pacman sa pagbibigay ng abot-kayang renewable energy sa ating bansa.


2. ONE Championship
Nag-invest din naman si Pacman sa Singapore-based sports media company na ito.

3. GTOKEN
Ang GTOKEN ang “World’s first crowdsourced mobile publisher and advertising platform.”


4. JMP Mass Media Production Inc.
Ito ang responsable sa pag-ere ng 1107 Radyo Alerto DXBB at 91.1 Kees FM sa General Santos City.

5. Roadhaus Economy Hotel
Ang hotel nilang ito ay matatagpuan sa General Santos City, South Cotabato.



6. Pacman Wildcard Gym
Mawawala ba naman ang fitness center ng ating Pambansang Kamao?

7. JMP Travel and Tours
Aakalain mo bang mayroong travel agency si Pacman?

8. Pacquiao H2O
Maging ang negosyo ng drinking water ay mayroon din sila.



9. Team Pacquiao Store
Merchandise store na nagtatampok ng mga produktong kagigiliwan ng kanyang mga fans.

10. MP Princess Digital Printing Solutions
Maging ang digital printing ay hindi nila pinalampas.

11. Pacman Beach Resort
Nag-invest din sila sa isang beach resort sa Sarangani.

12. Jinkee’s Fashion World
Ito ay isang Women’s clothing store sa GenSan.

13. Pacman Sports Bar
Maging sa sports bar ay nag-invest din sila.

14. Pacman Beach House
Matatagpuan ito sa Tuka Marine Park sa probinsiya Sarangani.

Sadyang kamangha-mangha ang tagumpay ba nakamit ni Senador Manny Pacquiao dahil sa kanyang pagtityaga sa buhay.