Mga artistang pinipili pa ring mamuhay ng normal sa kabila ng kanilang kasikatan, kilalanin sila!



Kadalasang mayayaman o may kaya sa buhay ang mga artistang ating hinahangaan. Karamihan sa kanila ay mga nakatira sa malalaking bahay, may mga kasambahay, at kumikita ng malaking pera. Ngunit di ko aakalain na ninanais din pala nilang gawin ang mga simple at mga normal na bagay na ito. Kilalanin sila!

1. ELLEN ADARNA



Source:instagram.com/explore/tags/ellenadarna/?hl=en

Matapos ang balitang nagkaroon sila ng anak ni John Lloyd Cruz pansamantalang nilisan nila ang show business upang magkaroon ng tahimik na buhay. Sa ilang kumakalat na larawan mapapansin ang pamimili ng dalawa ng kanilang groceries suot lamang ay simpleng mga damit.


2. JOHN LLOYD CRUZ

Source:instagram.com/explore/tags/ellenadarna/?hl=en


Matapos niyang mag-file ng kanyang leave of absence ay madalang na natin siyang makita sa harap ng kamera. Madalas din siyang makita sa mga viral na litrato online. Kung saan siya ay sakay ng isang pampasaherong dyip na may sando, shorts at shades na suot.

3. KYLIE PADILLA



Source:instagram.com/kylienicolepadilla/?hl=en

Source:instagram.com/kylienicolepadilla/?hl=en

Matapos manganak ni Kylie Padilla sa anak nila ni Aljur Abrenica, inaasahan na ng nakararami na si baby Alas ay lalaki sa isang maluhong pamumuhay dahil sa kanyang mga magulang ngunit nagulat ang nakararami ng nagpost ang aktres ng larawan ni baby Alas na nasisiyahan sa pagtatampisaw sa batya n tubig imbes na sa isang magarang at mamahaling bath tub.

4. MANNY “PACMAN” PACQUIAO



Source:instagram.com/mannypacquiao/?hl=en

Source:instagram.com/mannypacquiao/?hl=en

Ang ating Pambansang Kamao kilala sa pagiging mahusay sa kanyang napiling larangan, larangan ng boksing. Kilala rin siyang maimpluwensiya ngunit sa kabila nito ay makikita pa rin sa kanyang larawan ang pagiging simple nito dahil sa kanyang pagkakamay habang kumakain.

Ilan lamang sila sa mga artistang hindi nahihiyang gawin ang kanilang nais kahit sabihin pang simple lamang ang mga ito




error: Content is protected !!