Ang kwento ng mag-asawa na yumaman dahil sa pagtinda Siomai

Marami sa atin ang naghahangad na magkaroon ng sariling negosyo. Pero madalas ay nahihirapan tayo mamili kung ano nga ba ang papatok sa maraming tao. Ang pinaka siguradong produkto na maaring isugal sa isang negosyo ay pagkain.

Masasabing walang lugi sa negosyong pagkain dahil lahat ng tao ay kumakain. Isang kwentong halimbawa neto ay ang mag-asawa na taga batangas. Dahil sa kanilang kasipagan, sila ay ginantimpalaan ng kasaganahan.


Si Reynante at Raquel Manimtim ay mag-asawang ihemplo ng kasipagan. Si Reynante ay isang kusinero ng isang kainan na kung saan ay kasama niya ang kanyang asawa. Nagsimula sila sa pagiging salat na kung saan ay barong-barong lamang ang kanilang tirahan.

Nagkaroon sila ng pagkakataon na kumuha ng hulugang lupa. Nang matapos mabayaran ang hinuhulugang lupa ay naglakas silang loob na mag resign. Nang sila ay lumipat sa kanilang hindi pa tapos na bahay, na ang itsura ay parang isang garahe at kulang-kulang ang mga gamit, nag-isip sila kung paano ba nila maitatawid ang pang araw-araw nilang buhay. Napag-desisyon nilang magtinda ng fishball at kikiam. Dahil sa liit ng kita at kinakapos sa mga gastusin, marahil ay nagsasawa din ang tao, nagisip sila ng iba pang pwedeng panindang pagkain upang mailako sa ibang lugar.

Sa 100 pesos na capital ay naisipan ni Raquel na gumawa ng banana-que kung saan ay pinalako niya sa kanyang kapatid. Nang ito ay bahagyang kumita dinagdagan pa nila ito ng Turon, Lumpia, at Spageti. Nilalako ito ni Reynato at naglalakad ng tatlong kilometro papuntang bayan nila. Kumikita sila ng 100-150 pesos kada araw.


Naging hugutan nila ng lakas at pagpupursigi ang kanilang mga anak. Ayaw nilang maranasan ng kanilang mga anak ang kahirapan ng buhay. Dahil dito nag-isip sila ng isang produkto na tanging iyon lamang ang ibebenta. At ang produktong ito ay ang “home made” Siomai ni Reynato. Nang sila ay makaipon ay nakabili sila ng bisikleta at sidecar na kawayan ang sahig, bubong ay lona, at ang kalan ay di-uling. Sa pagdami ng kanilang parokyano. Isang pagkaka taon na kung saan ay mayroon silang suki na taga-bangko na nagbigay ng payo na mag “loan”. Sila ay pinahiram ng bangko ng 25 thousand pesos at ginamit nila ito upang makabili ng motor na kung saan ay ginawa nilang isang “food-cart”.

Naging malinis at presentable ang kanilang paninda na naging dahilan pa ng pag taas ng kanilang kinikita. Ang sabi pa nila ay hindi sila natatakot magloan dahil kapag nilagay nila sa negosyo pa ulit at gawing “food-kart” babalik pa rin ito ng mas higit pa kaysa sa bumili ng mamahaling cellphone na hindi na maibabalik. Ngayon ay marami na silang mga siomai-kart at may mga pwesto na rin sila sa ibang lugar. Kilalang kilala ang kanilang siomai sa taglay na sarap at presyong abot kaya.


Noong dating 100-150 pesos lang ang kinikita ngayon ay 50,000 pesos kada araw na ang kinikita nila. Lahat ito ay bunga ng kanilang pagsisikap. Ang dating mala-garaheng itsura ng bahay ay napatayuan na nila ng maayos na bahay. Naka bili na rin sila ng stock room at “nag-iinvest” na rin ng lupa. Pinangarap nilang makasal sa simbahan dahil Civil Marriage lng sila.

Nagawa na nilang magpakasal dahil sa tulong ng kanilang negosyo. Ang payo ni Reynato sa mga gustong mag-negosyo: “Tiwala sa sarili, Pagtawag sa Panginoon, at tiwala sa partner mo sa buhay”.



Reply

error: Content is protected !!