Isang pangarap na mabigyan ng Tubig ang kanyang lugar! Gumugol ng 36 na taon na pag-gawa at pag-aaral upang makamtan ang pinapangarap.



Ang tubig ay buhay. Isipin mo na lang kung ang planeta natin ay walang tubig, malamang ay walang nabubuhay ngayon. Sa sobrang halaga ng tubig sa ating buhay, marami pa rin sa atin ay hindi pinahahalagahan ito. Ang iba ay hindi rin pinangangalagaan ang mga anyong tubig at binabalewala lang ito.



Noong unang panahon ay hindi naman uso ang mineral water. Pero bakit ngayon ay kailangan pa nating bumili at siguraduhing malinis ang tubig. Marahil ang sanhi nito ay ang paglaganap ng polusyon. Paano kapag dumating na sa punto na mawalan na ng tuluyan ang tubig sa inyong lugar? Sa tingin mo ba ay makakaya mo pang manatili pa sa inyo? Marahil ay lumipat ka na sa ibang lugar. Ito ang nangyari sa isang lugar kung saan ay wala silang nakukuhang tubig.


Sa Guinzhou, isang mabundok na probinsya sa China naganap ang pinaka mahirap na kalagayan sa isang lugar. Ang mawalan ng Tubig. Noong taong 1950 marami ang nagkasakit sa naturang na lugar. Ang pangunahing produkto ng lugar ay bigas. Kaya naman ang hirap para sa kanila na magprodyus ng bigas dahil pangunahing sangkap sa pagtatanim ay tubig. Ang naiisip ng mga ibang taga-Guinzhou ay lumipat ng ibang lugar. Ngunit ang ibang mga katandaan ay hindi kayang iwanan ang kanilang lugar at ninais na manatili.



Isang nakaka bilib na tao ang naging bayani para sa kanilang lugar. Ngunit hindi naging madali para sa kanya na mapagtagumpayan ito. Si Chief Dafa kasama ang mga ibang taga Guinzho ay umisip ng paraan upang magkaroon sila ng supply na tubig. Ang naisip nilang paraan ay padaluyin ang tubig mula sa ibang nayon sa pamamagitan ng kanal. Nagsimula ang proyektong ito noong taong 1959. Pagkalipas ng sampung taon ay nakagawa sila ng kanal, kaso hindi pa rin pinalad na dumaloy o umabot ang tubig nito sa Guinzhou.


Hindi sumuko si Chief Dafa bagkus ay sa layunin niyang matapos ang proyekto, siya ay nag-aral ng “water-system engineering” sa bayan ng Fenxiang. Natapos ni Chief Dafa ang pag-aaral at bumalik siya sa kanyang lugar noong taong 1990 dala ang kaalaman tungkol sa proyekto. Sa tulong ng iba pa niyang mga ka-nayon ay pinagsumikapan nilang matapos ang proyekto. Noong 1995 ay natapos na rin nila ang proyekto. Ang 7,200 na metrong haba ng water kanal na mayroong 2,200 metrong haba na branch channel ay napapagsilbihan na ang dating tuyong lugar.


Ang proyektong ito ay nakatulong din sa tatlo pang kalapit na mga barangay. Sa pagsususmikap ni Chief Dafa at sa dalisay niyang hangarin para sa kanyang lugar. Ipinangalan sa kanya ang water system na ito ang “Dafa Channel”. Nang dahil sa Dafa Channel, ang dating 25,000 kg na ani ng bigas ay 400,000 kg na ngayon. Lahat ito ay pasasalamat sa kabutihan ni Chief Dafa.



Walang problemang mahirap sa taong humahanda at pinag-iisipan ang solusyon, wala ring imposible sa taong nagsusumikap at nagtutulungan.




error: Content is protected !!