Categories: Viral

Katapatan at Kabutihang Loob ng Isang Tricycle Driver, umani ng papuri sa Social Media

Sa hirap ng buhay ngayon, nagkalat ang mga mapaglamang at masasamang loob. Bunsod pa rin ng matinding kahirapan, maraming Pilipino ang kumakapit sa patalim upang mabuhay. Ngunit sa kabila ng mga ganitong pangyayari, may mga kuwento pa rin ng kabutihan at katapatan na naghahatid ng paghanga at pag-asa sa ating mga kababayan.


Gaya na lamang ng karanasan ni Mam Juliet Mendoza, isang guro sa ikalawang baitang ng Antipolo del Norte Elementary School. Noong Agosto 14, sumakay si Mam ng tricycle na minamaneho ni Mang Felix Manalo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, naiwan ng guro ang kanyang laptop sa tricycle.


Dahil naranasan din ni Mang Felix ang mawalan ng gamit, pagkakita niya sa laptop ay kinuha niya agad ito at itinabi muna upang hindi mawala pa at makuha ng iba. Bunga na rin ng katapatan at kabutihang loob ni Felix, gumawa siya ng paraan upang maibalik ang laptop kay Mam Juliet. Una, napilitan siyang buksan ang laptop at kanyang nakita ang mga larawan ng nagmamay-ari nito.

Hindi man nakilala agad ni Mang Felix ang guro ay hindi siya nawalan ng pag-asa at sa halip ay pumunta siya sa pamahalaang barangay upang ipagtanong kung sino ang nasa larawan na nakalagay sa laptop. Sa tulong na rin ng pamahalaang barangay, nalaman ng tricycle driver ang nagmamay-ari ng naturang gadget. Sa barangay hall ay isinauli ni Mang Felix ang laptop ni Mam Juliet. Malaki ang pasasalamat ng guro sa pagkakabalik ng kanyang laptop dahil laman nito ang mga mahahalagang rekord at dokumento na kanyang ginagamit sa paaralan.

Naiyak sa sobrang tuwa at parang nabunutan ng tinik ang guro ng mapasakamay muli ang kanyang laptop. Inilahad ni Mam Juliet sa kanyang post ang kanyang papuri at pasasalamat kay Mang Felix dahil sa kanyang kabutihan at katapatan. Nagpasalamat din siya sa kanilang punong barangay, barangay kalihim at sangguninan na tumulong upang maibalik ang kanyang laptop.

Ang karanasan ni Mam Juliet sa katapatan ni Mang Felix ay isang kuwento ng kabutihan at kabayanihan. Hatid nito ay pag-asa sa ating lahat na kahit mahirap ang buhay, mayroon pa ring mga taong mabubuti at pipiliing gumawa ng tama para sa kanyang kapwa.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago