Mga netizens labis na namangha kay Maine Mendoza dahil sa pag-abot sa pangarap nitong bahay!



Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon at makapagpundar ng sarili nating bahay. Namulat tayo noon pa man na kinakailangan nating dumaan sa mga proseso bago makamit ang mga pangarap na ito.



Halimbawa na lang ay ang pagtatapos muna ng pag-aaral sa kolehiyo, paghahanap ng matatag at pang-matagalang trabaho, makaipon ng sapat na halaga, at makapagpatayo ng pinapangarap na bahay. Ilan lamang sa mga sikat na personalidad na hinahangaan ng nakararami ngayon ay si Yaya Dub na kilala na rin ngayon bilang Maine Mendoza o Nicomaine Dei Capili Mendoza sa totoong buhay.




Source:instagram.com/mainedcm/?hl=en



Source:instagram.com/mainedcm/?hl=en


Maraming netizens ang humanga sa kanya dahil sa kabila ng karangyaan nila sa buhay ay nagsumikap siya upang makapag-ipon at makapagpatayo ng sarili niyang bahay mula sa kanyang pinaghirapan at pinagtrabahuhan na salapi.



Source:instagram.com/mainedcm/?hl=en



Source:instagram.com/mainedcm/?hl=en

Di lamang kagandahan at kabutihan ng loob ang makikita sa isang Maine Mendoza. Maaaring siya ay magaling rin sa pagpapatawa ngunit iba pa rin talaga ang katotohanang may pangarap siya sa buhay at nagsumikap siyang makapagpatayo ng kanyang dream house mula sa pera na kanyang pinaghirapan.

Source:instagram.com/mainedcm/?hl=en

Nang siya ay tanungin kung ano ang kanyang sikreto, mabilis niyang sagot ay “Magtipid”. Madalang na nating marinig ang salitang magtipid kung kaya naman talagang nakakagulat na sa isang sikat na personalidad pa ito nanggaling. Kinapupulutan din naman ng aral ang tagumpay na ito ni Maine Mendoza dahil sa edad na 23 ay nakapagpatayo na siya ng sarili niyang tahanan.



Source:instagram.com/mainedcm/?hl=en


Saad pa nito, “Lobby pa lang pasabog na.” Ayon sa ilang ulat, nakabili na si Maine ng lote at sinisimulan na ang paggawa ng kanyang dream house. Nakakasabik na makita ang resulta ng pinagpaguran at pinaghirapan ni Maine Mendoza na kanyang soon-to-be dream house.




error: Content is protected !!