Sampung taon gulang na bata tumatayong nanay at tatay sa kanyang mga nakababatang kapatid



Noong bata ka wala kang ibang ginagawa kundi maglaro, kumain, matulog. Walang mabibigat na bagay ang inaatang sa kanila dahil sa mura nilang edad.

Ngunit sa panahon ngayon, hindi na rin mawawala ang mga batang iniwan, inabanduna, at pinabayaan ng kanilang mga magulang kung kaya napilitan silang tumayo sa sarili nilang mga paa. Isa na dito si Xiao Ying na mula sa maliit na village ng Nantang.

Sampung taong gulang pa lamang siya ngunit ang kanyang mga responsibilidad ay pang-dalawang tao na. Siya ang nagsisilbing ilaw at haligi ng kanilang munting tahanan, kasama ng kanyang dalawang nakababatang kapatid. Siya rin ang naglalaba, nagluluto, nagtuturo ng pagsisipilyo at nagpupursiging mapag-aral ang kanyang mga kapatid.

Maaga silang naulila ng kanilang ama na namatay dahil sa karamdaman. At inabanduna naman sila ng kanilang ina. Masaklap man ang kanilang kinahinatnan patuloy pa rin silang lumalaban sa mga hamon ng buhay at nagsisikap na makapagtapos ng pag-aaral. Ayon sa kanyang tiyuhin ay mas marapat na lamang daw na ipa-ampon ang kanyang mga kapatid sa bahay-ampunan ngunit pinilit ni Xiao Ying na kaya niyang alagaan ang kanyang mga kapatid at di na kailangan pang mangyari ito.

Pinangako din ng bata na gagawin niya ang lahat para sa mga kapatid at di niya pababayaan ang mga ito. Nagkaroon din naman ng pagtutulungang donasyon sa paaralan nila upang kahit papaano ay makatulong sa mga bata. Siya din ay isang matalinong bata sa kanilang klase.


Ito ay hindi lamang hamon sa mga magulang at sa mga anak. Kundi isang paalala na mas marapat lamang na maging responsableng mga magulang sa kanilang mga anak. Nawa ay patuloy pang magkaroon ng mga taong tutulong at gagabay pa sa magkakapatid.




error: Content is protected !!