Alamin ang proseso ng pagpapa-ayos ng ating birth certificate



Marami sa atin ang nakaranas ng mga errors o pagkakamali sa ating mga birth certificates. Narito na ang mali na kasarian, mali na pagbaybay sa mga pangalan, maling edad, maling petsa ng kapanganakan at marami pang ibang ispesyal na kaso.



Marami sa atin ang nangangamba dahil daw sa mahal at maproseso ang pag-aayos ng mga kamaliang ito sa birth certificate na nagiging dahilan din naman ng pagka-delay o pagka-abala sa paglalakad ng mga dokumento at iba pang mga importanteng papeles.


Ang birth certificate ay ilan lamang sa pinaka-importanteng dokumento at pagkakakilanlan natin. Isa itong pangunahing dokumento sa pag-aayos at pagkuha ng pasaporte. Lingid sa kaalaman ng nakararami mayroon nang mga bago at mas murang paraan para maisa-ayos ang ating mga birth certificates. Dapat munang i-file ang petisyon ng pagbabago sa local civil registrar kung saan nakarehistro ang nasabing birth certificate.


Nasa halagang 1,000 pesos ang halaga para sa correction of entry samantalang 1,500 naman kung “migrant petition” o yung petisyon na hinain sa ibang local civil registrar at hindi sa mismong civil registrar na pinag-rehistruhan ng birth certificate.



Huwag din dapat kalimutan dalhin ang birth record o birth certificate na itatama kasama ng dalawang pang-suportang dokumento tulad ng school, baptismal certificate, medical records o iba pang dokumentong maaaring hingin ng civil registrar. Kung pagtatama sa kasarian naman ang kaso ay kinakailangan na may kaukulang dokumento mula sa doktor na nagpapatunay ng nasabing kasarian. Personal din na pagpunta ng indibidwal ay kinakailangan.

Tunay ngang maproseso ang pagsasa-ayos ng ating mga birth certificates kung kaya naman marapat lamang na maging maingat sa pagpapagawa nito sa simula pa lamang, para din naman sa kapanatagan ng mga magulang at maging ng mga anak.






error: Content is protected !!