Ang paguusap ng isang titser at ang kaklase netong nagtitinda ng fishball! Kinapulutan ng aral ng maraming netizens



Ang pag-aaral ay isang malaking sandata sa buhay na ginagamit natin upang labanan ang kahirapan. Kapag nakapag-tapos ka ng kolehiyo ay mayroon kang pagkakataong makahanap ng maayos na trabaho. Pero marami sa atin ang hindi nakapag tapos ng pagaaral at dahil ito sa kahirapan ng buhay.



Karaniwan kasi ay kinakailangan ang pera upang mabayaran ang iskwelahan na papasukan. Marami tayong mga nakilalang sikat na tao. At halos lahat ng ito ay nakapag-tapos ng kolehiyo. Pero masusukat ba talaga ang katagumpayan ng isang tao kung siya ay makakapagtapos lamang?

Ibinahagi ni Cath Conde Bugia ang isang paguusap ng isang Guro at ang kaklase netong nagtitinda ng Fishball. Maaaring ang usapan nilang itoy maging liwanag sa tunay na kahulugan ng edukasyon.



Tunay na isang karangalan ang maging isang guro. Ang magturo sa kabataan ay dapat ipagmalaki. Pero minulat tayo ng isang tindero ng fishball sa katotohanan ng buhay. Ang mahalagang aral na ibinahagi sa atin ng usapang ito ay ang diskarte upang mabuhay.



Hindi hadlang ang kahirapan basta may pagsusumikap at pagpupursigi. Alam nating fishball ang tinda niya at kinikita nito ay dumidepende sa lugar, panahon, at pagkakataon. Pero nasa magandang pamamaraan lang kung paano umunlad.


Maging kahit anong produkto pa ang iyong itinda katulad ng kwek-kwek, proben, siomai, mami, o lugaw basta ibinigay mo ang lahat ng kakayanan mo upang mabuhay, siguradong aasenso at gagaan ang iyong buhay.

Walang imposible sa taong nangangarap at may gustong marating sa buhay. Matutunan lang mahalin ang ating ginagawa sigurado ay hindi ka magsasawa. Isipan kung paano pa mapapaunlad ang sarili at huwag tumigil sa pagasenso. Kahit hindi nakapagtapos, kahit ano pa ang klase ng iyong trabaho basta mabuti at wala kang sinasagasaang tao, masasabing isa kang marangal na tao.




error: Content is protected !!