Lalaki na nagpahila sa limang aso sa isang kariton, usap-usapan sa social media!



Usap-usapan sa social media ang video ng isang lalaki na hila-hila ng limang aso sa kalsada. Ito ay kuha sa Pigcawayan, North Cotabato kung saan sakay ng limang aso niya si Vicente Tabujara, Jr. 64 taong gulang. Taong 2010 ng alagaan niya ang mga aso na ito.



Ayon pa sa kanya, gulay at organic lamang ang kinakain ng kanyang mga aso. Marami ang nabigla sa kumalat niyang video dahil sa nasanay tayong malalaking uri ng hayup lamang ang humihila sa ating mga tao.



Ayon pa sa may-ari ng mga aso, kinailangan niyang magpahila sa kanyang mga aso dahil sa hirap na siyang maglakad simula ng may mangyaring aksidente sa kanya noong siya ay nagtatrabaho pa lamang bilang isang welder.



Marami mang nagalit at nagreact sa nangyaring ito, iginiit ng matanda na walang pagmamaltrato ng mga aso na naganap. Hindi daw niya ito sinasaktan at mas nanaisin pa daw niyang siya ang magutom kaysa ang kanyang mga alaga! Ayon sa kanya, “Di baleng di ako makakain, sila muna kakain. Mas mahalaga [sila] sa buhay ko.”


Ayon din naman sa nagpost ng viral video na ito na si Dr. Charlimagne Fugata, wala daw nangyaring paglabag sa batas o pagmaltrato sa mga hayop na ito dahil siya na raw mismo ang magsasalita at gagawa ng aksyon para dito. Saad pa ng doktor, “Never niyang pinapalo, sa kanya, yun lang sinasabihan. Kasi isa na din ako sa magre-react ‘pag pinalo yung aso.”


Patunay lamang ito na ang mga Pilipino ay mapagmasid pa rin sa kanilang kapaligiran. Dahil kilala tayong mapagmahal sa mga alaga nating hayop nais lamang ng nakararami ang makabubuti sa limang aso na animo’y pinahihirapan dahil sa pagbuhat sa kanilang amo. Ngunit sadyang nakakatuwa rin naman na makita kung gaano ang mga asong ito ay tumutulong sa kanilang minamahal na amo.



 




error: Content is protected !!