Ang Pakikipag-Laban ng isang babae Sa Tagihawat, Nasolusyonan!



Ang pangangalaga at pag-iingat sa ating katawan ay mahalaga. Maaaring masalamin sa kalinisan ng isang tao ang kanyang personalidad. Marami sa atin ay talagang gumagastos ng malaki upang mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng ating pangangatawan.

Source:pixelatedplanet.net/



Isa sa mga sensitibong bahagi ng ating katawan na dapat pangalagaan ay ang ating mukha. Ang mukha natin madalas ang unang nakikita pag tinignan tayo ng ibang tao. Masasabing ito ang batayan ng itsura at sumusunod lng ang hugis ng katawan. Kaya naman ang iba ay todo sipag sa pag-aalaga ng kanilang mukha. Ang iba ay pumupunta o nagpapa-kunsulta pa sa mga espesyalista upang alagaan ang kanilang mukha. Ang pagiging sensitibo ng mukha ang nagiging dahilan ng pag labas ng mga ibang hindi kanais-nais katulad ng “black-heads”, “white-heads”, “freckles”, at ang pinaka sikat ay ang “pimples” o tagihawat.

Source:pixelatedplanet.net/


Ang tagihawat ay madalas lumalabas sa panahong nagdadalaga o nagbibinata na ang isang tao. Ang tagihawat ay isang impeksyon na kung saan ay nagkakaroon ng namumulang pamamaga. Karaniwan ay makikita ito sa mukha ng isang tao. Pero ito rin ay tumutubo sa iba pang parte ng ating katawan. Kaya naman ay sobrang pagiingat ng iba upang mapigilan nila ang pagkakaroon ng tagihawat sa mukha. Pero paano kapag hindi mo talaga mapigilan ang pagdami nito? Ano ang gagawin mo?

Source:pixelatedplanet.net/


Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa tagihawat. Minabuti ni Christine Reyes na ihayag ang kanyang naging laban upang mawala ang kanyang tagihawat sa mukha. Nagsimula daw ito noong Oktubre 2017 nang gumamit siya ng pekeng pampaganda. Napansin niya ang unti-unting pagdami nito hangang naging laganap na sa kanyang mukha. Dahil sensitibo ang ating mukha mabilis nakakapitan ng bacteria at nagiging dahilan ng pagkakaroon ng tagihawat. Agaran niyang itinigil ang pag gamit ng pekeng pampaganda.

Ito ang kanyang sinabi:
“Nagkakapimples ako dati pero hindi lalagpas sa tatlo. Nagstart akong magbreakout nung kalagitnaan ng October 2017, pero nawala nung mga December 2017 at bumalik at lalong lumala nung January 2018.”



Pero lalong lumala ang kanyang sitwasyon noong Enero 2018. Nagkaroon na ng impeksyon ang kanyang mukha. Ito ang naging dahilan upang tumungo siya sa isang espesyalista sa East Ave Medical Center sa Quezon City. Siya niresetahan ng mga gamot na ito:

– Doxycycline, Cindamycin (s.o.s)
– Erasul Soap (mild soap)
– Sunblock SPF <30
– Adapelene gel

Source:pixelatedplanet.net/

Hindi agaran o mabilisan ang pag galing ng mga tagihawat ni Chrisitine pero unti-unti ay nawawala ang kumpulang tighawat nito. At sa pag-patuloy niya sa pag gamit sa nireseta sa kanya ng Doktor ay nawawala rin ang mga pulutong na tagihawat. Tuluyang gumaling ang mukha ni Christine noong Agosto 2018. Talaga namang pinakita niya na kaya niyang lampasan ang pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Nagiwan man ng marka sa kanyang mukha ito’y magiging alaala niya na minsan ay napagtagumpayan niya na mawala ang tagihawat sa kanyang mukha.






error: Content is protected !!