Ang Panaghoy na Video ng Isang Tibong Anak ni Jackie Chan

May karamihan pa rin sa mga magulang ngayon ay tutol pa rin sa “homos3xuality”. Kanya-kanya kasi tayo ng pananaw at pag-iisip sa ganitong bagay. Maaaring gusto ng mga magulang natin na magkaroon sila ng apo o masasabing sariling anak natin.

Ang iba ay ayaw dahil sa mga negatibong kumento ng ibang tao. Sa ibang mga lugar naman ay pinagbabawal ito dahil sa nakalakhang kultura na ipinasa sa mahabang henerasyon. Pero ang tanong, karapat-dapat nga bang itakwil ng isang magulang ang isang anak kung malaman nilang bakla o tomboy ang kanilang anak?


Kilala si Jackie Chan na isang sikat na aktor sa buong mundo. Marami na rin siyang napag-bidahang pelikula karaniwan ay siya pa ang nagiging direktor nito. Sa sobrang katanyagan niya marami sa atin ang hindi nakaka-alam na mayroon pala siyang anak na tibo. Si Jackie Chan ay nagkaroon ng anak kay Elaine Ng, na isang aktress at beauty queen, na ang pangalan ay Etta Ng. Si Etta Ng ay isang lesbiana na may karelasyon na “isang social media personality” na si Andi Autumn.

Source:instagram.com/p/BaGKOZ9g6_Y

Ipinahayag ni Etta Ng na 18 taong gulang kasama ang kanyang 30 years old na kasintahan na si Andi Autumn ang kanilang kalagayan sa buhay sa pamamagitan ng pag-post ng video sa youtube. Ang naturang video ay patungkol sa panawagan na sila ay nahihirapan sa buhay at sila ay walang matirahan. Humingi na sila ng tulong sa mga kakilala pero itinuturo sila sa mga lugar na maaaring makapag-hiwalay sa kanila.

Source:instagram.com/jackiechan.official

Ayon sa sinabi ni Etta Ng sa video:
“We’ve been h+meless for a month, due to homophobic parents,” “We’ve pretty much slept under a bridge and other things, you know?”

“I don’t even understand what is going on because we’ve gone to the police, we’ve gone to the hospital, the food banks, LGBTQ community shelters…”

“that’s why we’re making this video, because we don’t know what to do at this point.”

“I love her, i love you (hinalikan ni Andi si Etta Ng sa pisngi)”

Source:instagram.com/jackiechan.official

Dahil sa ginawa ng dalawa ay umani ng maraming komento ito sa social media. Ayon sa ina ni Etta Ng, na si Elaine Ng, Hindi na dapat sila gumawa ng ganitong video upang ipakita lang ang kalagayan nila, dapat ay humanap sila ng trabaho.

Ito ang sinabi Elaine Ng:

“I feel that if they have no money, they should go find work.

“They shouldn’t film a clip telling others they are broke and who Etta’s father is. People all over the world work hard and don’t rely on someone else’s fame to get money.”

Iba-iba talaga ang pananaw at pagiisip ng tao. Maaaring sa iba ay kaaawaan si Etta Ng sa kanilang kalagayan at ang iba naman ay maintindihan ang sinabi ni Elaine Ng. Hindi rin natin maipipilit sa lahat ng tao ang mabilisang pagtangap sa LGBT Community. “Homophobic” man ang mga magulang ni Etta Ng ngunit ang kalagayan sa buhay nakakamit sa sariling pagsusumikap. Totoong ipinakita ng dalawa sa mundo ang pagmamahalan nila. Pero, ang masakit na katotohanan ay hindi tayo mabubusog sa pagmamahal lamang. Haluan natin ito ng kasipagan at diskarte sa buhay.

Source:instagram.com/jackiechan.official

Ang pagmamahalan ay talagang matalinhaga. Hindi mo alam kung saan ka daldalhin nito. Nawa’y maging gabay ito sa mga miyembro ng LGBT at sa mga magulang kung paano ito maayos at hindi na lumala. Tayo mismo ang nagsusulat ng sarili nating istorya sa buhay. Kaya habang maaga paghusayan na natin ito upang maging maganda ang kahihinatnan.



Reply

error: Content is protected !!