Badjao Girl lubos na nagpapasalamat sa bagong buhay at bagong bahay nila!



Naalala nyo pa ba ang Badjao Girl na sumikat at nakilala dahil sa larawang kumalat sa social media na kahit pa maituturing na animo ay “candid shot” habang namamalimos sa Hiyas Festival sa Quezon ay talaga namang hindi maikakaila na siya ay mayroong natural at kakaibang kagandahan.



Hindi niya inakala na doon pala magsisimula ang pagbabago ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya. Mula sa mahirap at hikahos na pamumuhay, isang beses na pagkain nilang limang magkakapatid sa loob ng isang araw nagkaroon na ng mas magandang buhay at kinabukasan ang pamilya ni Rita Gaviola. At ito ang bahay na pinagawa ni Rita Gaviola.









Malaki ang improvement ng kanilang bahay si Rita ay dating umaasa sa limos at dahil nakilala sya sa social media at sa PBB malaki ang nabago sa kanilang buhay.



Sa ngayon, siya ay isang iskolar at nagpupursiging makapagtapos ng kanyang pag-aaral na ayon sa kanya ay isa sa kanyang mga pangarap. Pangarap din niya ang maging isang guro. Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na marami ring nag-aalok ng pagmomodelo sa kanya ngunit mas focus daw siya sa kanyang pag-aaral at pangarap na maging isang guro upang matulungan at maturuan ang mga bata sa lansangan.

Kung papipiliin daw siya kung pagmomodelo o pag-aaral, walang pag-aatubili niyang pipiliin ang pag-aaral sa kahit anumang bagay dahil sa ito ang kayang pangarap noon pa man. Masayang masaya rin naman siya sa bagong bahay nila at sa bago nilang palikuran. Sadyang mahirap at isang napakalaking hamon para sa kanya at sa kanyang pamilya ang kawalan nila ng maayos na tirahan at maayos na palikuran noon. Ngunit ngayon sa tulong ng mga nagmamahal at sumusuporta sa kanya unti-unti na niyang naabot ang kanyan mga pangarap.




Tunay ngang marami pa ring mabubuting loob na magbibigay ng tulong ng walang hinahangad na kapalit. Sa mga tulong nila, isang buhay na naman ang kanilang natulungan kasabay ng pagbabahagi nila ng biyaya pati sa mga pamilya nito. Isa kang inspirasyon sa marami,

Rita! Nawa ay maabot ko na ang iyong mga pangarap at marami ka pang matulungan kapag ikaw ay ganap ng guro.

Image and Article source: Youtube Rita I. GaviolaInstagramAbs-cbn




error: Content is protected !!