Dating miyembro ng F4 na si Ken Zhu, kinasal sa isang napaka-gandang babae



Noong taong 2001 ay marami sa atin ay nahumaling at sinubaybayan ang palabas na Meteor Garden. Ang mga tauhan sa istoryang ito ay sina Shan Chai, Dao Ming Si, Hua Ze Lei, Mei Zuo, at Xi Men. Ang Meteor Garden ay pinapanood sa telebisyon tuwing hapon.



Marahil ang palabas na ito ang naging umpisa ng pagkahilig ng mga Pilipino sa panunuod ng mga Asia nobela. Ang Meteor Garden ay pinagbibidahan ng sikat na boy band na F4 at si Barbie Shu. Ang miyembro ng F4 o Flower 4 ay sina Jerry Yan, Vic Zhou, Vanness Wu, at Ken Zhu. Sa ganda ng istorya ng palabas na ito ay maraming mga Pinoy ay naging taga-hanga ng grupo. Maaring nagkaroon ito ng impluwensya sa pang araw-araw na buhay ng ilan. Ginagaya pa nga ng ibang kalalakihan ang mga buhok ng mga ini-idolong mga F4. At todo kilig at tili naman ng mga kababaihan sa kagwapuhan ng F4. Naging hit o sumikat din ang mga kanta nila sa ating bansa.


Sa sobrang kasikatan ng mga ito ay ginagawan pa ng tagalog bersyon ang mga kanta nila. Tunay na malaking naging bahagi o impluwensya ng grupo na ito sa ilan. Pero naiisip niyo ba kung kumusta na ang mga buhay nila ngayon?




Isa sa mga hinangaan nating miyembro ng F4 ay si Ken Zhu. Sa palabas na Meteor Garden ay talaga namang makikita natin ang pag ganap niya sa kanyang role na pagiging babaero ay walang katulad. Pero hindi natin alam ay sa kabila ng pagiging babaero niya sa istorya ay sa totoong buhay pala ay mayroon ng nagpa tibok ng puso niya.

Lubos na pinagsikapan ni Ken Zhu ang kanyang natatamasang buhay ngayon. Nagumpisa siya na bilang waiter nang nadiskubre siya ni Cai Zhiping na siyang bumuo ng F4. Nagsimula siya bilang assistant ng mga artista. Nagbago na ang takbo ng kanyang buhay ng gumanap siya bilang Xi Men sa palabas na Meteor Garden.



Dahil sa kasikatan niya ay dumami ang naging taga-hanga ng Actor. Noong taong 2015 ay may nakitang larawan na kung saan ay may kahawak kamay ang sikat ng miyembro ng F4. Ang babaeng ito ang pinakasalan ni Ken Zhu noong ika-3 ng Setyembre, Taong 2016. Siya si Vivien Han Wenwen na isa ring Aktress sa China. Nagkakilala ang dalawa sa Beijing Film Academy. At di rin nagtagal ay kinasal sa Bali Indonesia. Ang kasal nilang dalawa ay naging daan upang magkita kita muli ang ibang miyembro ng F4.




error: Content is protected !!