Sinorpresa ng apo ang kanyang Lola matapos nitong ipa-restore ang sasakyan ng kanyang Lolo!



Napakahalagang parte ng kabataan ng isang Pilipino ang kanyang lolo at lola. Dahil sa mga panahon na ang mga magulang ay kinakailangang umalis ng bahay upang maghanap-buhay, ang mga anak ay naiiwan sa pangangalaga ng mga lolo at lola.



Ayon pa nga sa paniniwala ng nakararami, “Kapag palaki ng Lola o Lolo tiyak mabait na bata yan!”. Maaaring hindi sumang-ayon ang iilan ngunit marami ang naniniwala sa kasabihan na ito. Gayundin naman ang kasabihan na ang mga lolo at lola raw ay mas mahal ang kanilang mga apo kaysa sa kanilang mga anak.




Wag kayong magalit mga anak, marahil ay nasasabik lamang sila na makasama ang munting mga supling na kamukhang-kamukha ninyo. Tunay ngang malapit sa puso nating mga Pilipino ang ating mga lolo at lola. Patungkol pa rito ay ang kumakalat na video ng isang lola na labis na naging emosyonal nang sorpresahin siya ng kanyang apo nang ipakita sa kanya ang lumang sasakyan ng mister na pumanaw 16 na taon na ang nakakaraan.

Ayon pa sa kanyang apo na sumorpresa sa kanya, “Worked really hard to to get my Lolo’s (passed away 16 years ago) ’75 Jeep CJ5 running and brought here to Manila from Bacolod where its been since it was bought. And today I bought it to my 93-year old lola to see it running again. Haven’t seen her this happy, excited, and sad at the same time,”
Tunay na wala talagang makakapantay sa ligayang iyong mararamdaman kapag napasaya mo ang iyong mahal sa buhay.
Ayon din sa lola, labis siyang nagalak dahil sa tila nagbalik ang lahat ng ala-ala niya sa kanyang mahal na asawa.


“Your Lolo used to take me in that jeep and we went to the farm. We crossed the Bago river twice just to get to the farm and he used to sit there and I sat next to him.”
Nakakakilig na kwento ng kanyang lola.




error: Content is protected !!