Ang opsiyal na pagpapatupad ng OWWA sa OFW e-Card na makakatulong sa maraming OFW nating kababayan.



Marami sa atin ay nangangarap na umasenso sa buhay. Isa sa mga naiisip nating paraan ay mag-ibang bansa. Ngunit marami sa atin ay hindi alam na ang pagiging isang Overseas Filipino Welfares (OFWs) ay hindi birong trabaho. Bukod sa nalalayo sa pamilya ay matinding pakikisama ang gagawin mo upang makatagal sa isang lugar. Bago makaalis ng bansa ay mahabang proseso ang gugugulin upang makumpleto ang mga kinakailangan. Kaya naman isang bayani natin maituturing ang mga OFWs nating mga kababayan.



Noong Nobyembre 6, 2018 ay isang magandang balita para sa mga OFWs nating mga kababayan. Pinatupad na ng ating Gobyerno sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang paglunsad sa unang bahagi ng e-Card ng mga OFWs. Ang pagsasagawa ng e-Card para sa OFWs ay sinubukan muna ng sampung buwan upang masiguro ang magiging benepisyo sa mga kabayan nating mga OFWs


Unang sinabi ng ating gobyerno ito noong nakaraang December 2017 na kung saan ang mga mabibigyan nito ay ang mga bumalik na OFWs. Sa pamamagitan ng masinsinang pagsusuri ay napag-desisyonan na ng ating gobyerno na isama na rin ang mga bagong OFWs.



Ang unang bahagi ng programang ito ay maaaring makatulong sa 250,000 na OFW’s sa ating bansa na kung saan ay magagamit nila ang mga benepisyo ng e-Card.

Ang sumusunod ay ang mga magiging gamit ng e-Card: As valid government-issued IDTo avail of exemptions for travel tax and terminal feeTo access information relevant to government services, including Philhealth and SSS contributionsTo access Integrated Department of Labor and Employment (iDOLE) eServicesTo access OWWA programs such as trainings, scholarships, welfare services, and other social benefits




Isa pang magandang balita para sa mga OFWs ay ang pagiging passport ng e-Card. Ayon kay Hans Cacdoc, ang administrador ng OWWA, ginagawa ng kanilang mga eksperto na gawin na ring isang valid passport ang e-Card. Ito ay isang malaking bagay sa mga OFW’s na nasa Middle East na kung saan ay kinuha ang kanilang passport. Kasama rin sa programa ng e-Card ay ang pagkakaroon nito ng Mobile Application. Na kung saan ay malaking tulong upang makita at ma-monitor ang mga benepisyo.

“The OWWA mobile app is another key element in the agency’s digital transformation. With the mobile app, members can browse the latest local news, renew their membership contributions online, keep tabs on their membership records and status, send an email or message directly to the agency’s 24/7 operations center, (OFWs can also) apply for the various OWWA programs and services, and connect to the hotline numbers of the various Philippine Overseas Labor Offices (Polo) around the world,” said OWWA deputy administrator Atty. Dodo Dulay.



Ang kagandahan sa mobile app ay kung mawala man ang cellphone, ay pwede pa rin itong mabuksan sa ibang cellphone basta i-download lang ulit ito. Subok na ligtas ito dahil sa taglay nitong mga “security features”.

Ang mga ganitong pribilehiyo ay malaking tulong para sa mga kababayan nating nagsasakripisyo sa ibang bansa. Sana ay dumami pa ang mga ganitong klaseng tulong na ibinibigay ng ating pamahalaan.

Source:ofwtambayan.net




error: Content is protected !!