Mga larawan ng mga kilalang personalidad na may buhok pa noon ngunit ngayon ay wala na.



Buhok o ang ating “crowning glory” kung tawagin ng nakararami. Sobrang pag-aalaga at pag-iingat ang ginagawa ng maraming kababaihan sa kanilang mga buhok. Ang ilan namang lalaki ay pinapanatiling maiksi ang kanilang mga buhok samantalang ang iba ay pinapahaba. Mayroon ding sakit na kung tawagin ay “Alopecia”, baldness, o hair l0ss, ang unti-unting pagkalagas at pagka-ubos ng buhok ng isang tao kadalasan ay sa parteng buhok. Ilan rin naman sa mga paborito nating kilalang artista or tao noong araw ang may mga buhok pa ngunit sa paglipas ng panahon ay tila nawala na rin ng tuluyan. Ang mga sumusunod na sikat na personalidad ay ilan lamang sa kanila:

1. Jaime Fabregas



Isang batikang aktor, musical scorer at kompositor si Jaime Fabregas, 68 taong gulang na kasalukuyang gumaganap na Delfin Borja sa programang “FPJ’s: Ang Probinsiyano”. Mapapansing sa mga pelikula niya dati ay mayroon pa siyang kaunting buhok hindi tulad ngayon.

2. Mikey Bustos


Michael John Tumanguil Pestano Bustos, 37 taong gulang, isang Filipino-Canadian na mang-aawit at komedyante. Kilala siya bilang “youtuber” na gumagawa ng iba’t-ibang parodies na kinagigiliwan ng maraming social media enthusiasts. May kaunting buhok pa siya noon ngunit kahit wala na ang mga ito ngayon ay mababakas pa rin ang kanyang kagwapuhan.


3. Robert Jaworski



Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Robert Salazar Jaworski, 72 taong gulang, sikat na basketball player. Kilala siya sa pagiging mahusay at talentado sa larangang ito.

4. Ryan Eigenmann

Kilala rin bilang si Ryan Jonathan Villa Eigenmann, 40 taong gulang, isang sikat na aktor at kontrabida. Anak ng mga sikat na personalidad na sina Gina Alajar at Michael de Mesa. Kilala ang mga Mesa-Gil na mahuhusay at magagaling sa kanilang larangan.



5. Bearwin Meily

Si Bearwin Meily, 42 taong gulang isang aktor at komedyante. Binasagan din siyang “Pambansang Magician” dahil sa husay niya sa larangan na ito.
May buhok man siya o wala, tunay na kagigiliwan natin ang personalidad ni Bearwin Meily.

6. Benjie Paras

Ang tunay niyang pangalan ay Venancio Johnson Paras, Jr. Kilala siya bilang mahusay na basketbolistang Pilipino na ngayon ay retirado na. Isa rin siyang aktor ay komedyante. Halata naman ang kakisigan niya lalo nung wala na siyang buhok.

7. Ronald dela Rosa

Siya ang dating PNP Chief, 56 taong gulang ay kilala rin bilang Bato Dela Rosa o Bato. Nakilala rin siya sa pagiging desidido niya sa pakikipaglaban niya kontra droga. Taktak Bato dela Rosa din naman ang kawalan niya ng buhok.

Source:therecoverycrate.com




error: Content is protected !!