Siya pala ang kapatid ni Andrea Brillantes na talaga namang kamukhang-kamukha niya!



Si Andrea Brillanes o pinanganak bilang si Annedrew Blythe Daguio Gorostiza, 15 taong gulang at kilala sa pagganap niya sa “Goin’ Bulilit” taong 2010. Ngunit mas nakilala pa siya ng pagbidahan niya ang palabas na Annaliza sa ABS-CBN taong 2013.



Kilala ang batang aktres na ito sa mga kahanga-hangang pagganap niya sa iba’t-ibang programa ng Kapamilya network tulad ng Annaliza noong 2013, Everyday I love you 2015, at Crazy Beautiful You 2015.



Kilala din siya bilang isang “youtube blogger” at nakilala sa mga nakakamangha nitong “Tiktok Videos”. Kasalukuyan siyang gumaganap bilang batang kontrabida sa palabas na Kadenang Ginto na pinapalabas sa ABS-CBN tuwing hapon kung saan siya ay si Marga na anak ni Daniella (Dimples Romana). Isang “brat girl” na apo ng pinakamayaman sa kanilang lugar, kinagalit ng kanyang ina ang pag-aasawa ng lolo nito sa kanyang sekretarya.



Lingid sa kaalaman ng nakararami na mayroon siyang ate na talaga namang kamukhang-kamukha niya na tila mapagkakamalan bilang kakambal niya. Sa isa sa mga “episode”ng Magandang buhay, inilahad niya ang mga naging karanasan niya bilang isang batang aktres na sumusuporta sa kanyang pamilya sa murang edad.

Ipinagpasalamat niya din ang pagkakaron ng mapagmahal na pamilya at ate. Tunay ngang nakakatuwang malaman na siya ay masaya sa pagtulong sa kanyang pamilya ng walang hinihintay na kapalit. Nagsimula man siya sa murang edad, mababanaag sa kanya ang kagalakan na matulungan ang kanyang mga mahal sa buhay. Sa murang edad na ito nakaranas man siya ng mga hamon sa buhay pinagpapasalamat pa rin niya sa Diyos ang lahat ng bagay na kanyang tinatangkilik.



Isa siyang huwaran sa mga kapwa niya kabataan at maging sa ibang tao rin na lubos na humahanga sa kanya.