Ang tamang paggamit ng can opener!!



Sa modernong panahon natin ngayon, marami na tayong natutuklasan, natututunan, at nasasaksihan di lamang sa ating kapaligiran ngunit pati na rin sa social media o sa Internet.




Marami ang nagulat, namangha at nanghinayang dahil sa video na kumakalat ngayon sa social media patungkol sa tamang paggamit ng can opener. Maraming nagulat dahil maaari pa lang gamitin sa ganoong paraan ang matagal na nating katuwang sa kusina na abre-lata. Namangha rin naman ang nakararami dahil sa paraang pinakita sa video ng tamang paggamit ng bagay na ito.


Higit sa lahat marami ang nanghinayang dahil sa tagal ng panahon na inakala nilang tama ang kanilang paggamit ng can opener ngunit isa pala itong maling akala lamang. Ang iba naman ay nagsasabing mula pagkabata ay di nila batid na mali pala ang kanilang ginagawa kung kaya’t nasayang ang mga panahon na kanilang ginugol dito.



Ngunit gayunpaman, laking pasasalamat na rin ng ilan na may nag-post ng video na ito sa social media at nagkaroon ng pagbabago sa gawi na nakasanayan na. Dahil sa kaalaman na kanilang natutunan at natuklasan, ngayon ay mas magiging madali at mabilis na ang paggamit ng abre-lata.



Kung iisipin natin ang pagbubukas ng mga de lata magmula sa corned beef, sardinas, gatas, tuna at iba pang “variety” ng de lata ito ay madali lamang na gawin ngunit kung wala ang can opener o abre-lata hindi magiging madali ang pagbubukas ng mga ito. Dahil sa talim ng lata maaari din itong maka-sugat, maka-hiwa o maka-disgrasya.

Salamat na lamang at mayroon na tayo ngayong can opener, at higit sa lahat, salamat dahil batid na natin sa wakas ang tamang paggamit nito! Sabi nga ni Kuya Kim Atienza, “Iba ang may alam!” Kung kaya naman sa susunod na paggamit mo ng can opener alam na alam mo na ang paraan ng paggamit nito.

Source:Ptama




error: Content is protected !!