Ito pala ang simula ni Empoy Marquez sa showbiz!

Julius Erman “Empoy” Ramos Marquez o mas kilala bilang Empoy Marquez na nakilala sa pagsali bilang Mr. Suave taong 2003 sa MTB o sa Magandang Tanghali Bayan.

Matapos ng pagkapanalo niya ay natampok rin siya sa iba’t-ibang mga pelikula, comedy sitcoms, at iba pang programa. Siya ay tubong Baliwag, Bulacan at tulad ng nakararami ay laking lola din siya.

Lingid sa kaalaman ng nakararami na muntikan na siyang magtrabaho sa ibang bansa dahil karamihan ng kanyang mga kaibigan ay nandoon na din. Ngunit ayon sa kanya, hanggat’t may tao pang natatawa sa kanya mamahalin at mamahalin niya pa rin ang kanyang trabaho.


“Hindi ko maiwan ‘yong trabaho ko. Sa industriya kasi, hangga’t may napapasaya po ako at may natatawa sa akin, lalo ko po itong mamahalin, itong trabaho ko,” dagdag pa niya.

Inalala din niya ang pagko-commute niya noon papuntang trabaho dahil sa Bulacan pa ang kanyang tahanan noon.
“Simple lang ako. Dati sa showbiz, nagba-bus ako. Halos kilala na yata ako lahat ng mga taxi driver. Nakikita nila ako sa TV, pero nagta-taxi ako,” sabi pa niya sa isang interview.


Dahil sa pelikula niyang “Kita kita” tampok rin ang kanyang katambal na si Alessandra de Rossi mas lumiwanag pa ang karera ni Empoy sa industriya. Ang kanilang pelikula ay umabot ng 200 milyon na kita. Dahil sa dami ng tagumpay niya sa buhay napaayos na niya ang kanyang tahanan sa Bulacan. At sa ngayon ay may condo rin siya sa Quezon City para sa mas madali ang kayang biyahe patungo sa trabaho.


Tunay ngang walang imposible sa taong may pagpupursige at pagtitiyaga sa buhay. Bagamat maraming pagsubok sa buhay, patuloy pa rin siyang lumaban at nagsipag sa kanyang trabaho. At ngayon, isang napakalaking biyaya at pagkakataon ang kumatok sa kanyang pintuan. Nawa ay lalo pang pagpalain ang mga katulad niyang matiyaga sa buhay.

Eto naman ang magandang bahay ni empoy sa bulacan na talaga namang napaka-ganda!

Source:Ptama



Reply