Silipin ang magandang bahay nina Andre at Kobe Paras!



Sina Andre at Kobe Paras ay ang anak nina Benjie Paras at Jackie Forster. Si Andre Paras o Andre Alonzo Forster Paras sa totoong buhay, 23 taong gulang ay kilala bilang isang Kapuso actor, mananayaw, dating basketball player at isa ring modelo.



Samantalang sikat naman na atleta at manlalaro ng basketball si Kobe Paras o kilala rin bilang Kobe Lorenzo Forster Paras 21 taong gulang. Minsan pa ay pinaunlakan ng pamilya Paras na masilayan ng publiko ang kanilang tahanan na may modern Asian theme.



Matatagpuan sa Pasig ang kanilang 400 square meters na tahanan. Ang kanilang tatlong palapag na bahay na mayroong limang kwarto ay talaga namang nababagay sa kanilang close-knit na pamilya. Ayon pa kay Benjie Paras, isang sikat na komedyante at retiradong basketball player sila daw ng kanyang misis ang magkatuwang na bumuo ng mga interyor ng kanilang bahay, “Yung wife ko kasi, we’d always watch HGTV, and then titingin sa magazines.



Tapos magka-canvass kami, kasi yung iba mahal. Ang Kukunin namin ay yung mirror image nung gustu namin (na furniture). Sinasabing ang nasabing lote ay nabili na ng ama nina Kobe at Andre na si Benjie Paras isang dekada na ang nakalilipas, balak niyang magpatayo ng bahay dito at ibenta ito pagkatapos.



Ngunit dahil sa nagmamahal na renta sa kanilang tahanan sa Quezon City napagdesisyunan na nilang lumipat sa bahay na kanilang pinagawa. Dahil ang tema ng kanilang tahanan ay Modern Asian inamin din ni Benjie Paras na tiyak na mahihirapan silang panatilihin ang kulay nito.
“Very light lang parang off-white. Ang mahirap lang pag off-white sa labas, parang every how many years kailangan mong i-repaint.” Nakaka-relax din naman talaga lalo ang kanilang tahanan dahil sa mga halaman sa paligid at labas nito.


Tunay ngang nakakatuwang malaman na basta sama-sama silang pamilya sa kanilang tahanan ay sobrang ligaya at saya ang naidudulot nito sa kanila.

Source:Ptama




error: Content is protected !!