10 Madadalas na Panaginip at Ang Mga Interpritasyon Nito



Marami tayong bagay na ninanais at sa kagustuhan nating matupad ay minsan naiisip na sana ay maging panaginip natin. Minsan din ay nakaka-panaginip tayo ng magaganda at sa pag-gising natin ay maiisip na lang na sana ay totoo na lang. May ilang nagsasabi na ang panaginip ay mga bagay na gusto natin o ang mga bagay na kinatatakutan natin.



Ang Panaginip ay ang pagkakasunod-sunod ng mga naiisip natin tuwing tayo ay natutulog. Ang mga pangyayari sa ating panaginip ay hindi natin nakokontrol. Kusa itong lumalabas sa isip at nauudlot ito kapag nagising na sa pagkaka-tulog.

Kapag ang isang tao naman ay nakapanaginip ng hindi maganda at minsan ay napapasigaw pa, tinatawag naman itong “Bangungot”.  Lahat naman ay gusto na ang panaginip nila ay maganda. Kadalasan, nasasabi ng isang tao na masarap ang tulog niya kung ang panaginip niya ay gusto niya. Ang panaginip ay hindi realidad! Pero may ilang tao na binigyan ng paliwanag ang mga madalas nating napapanaginipan.

Ang ilan sa mga karaniwang Panaginip ay ito:



1. Hinahabol

Kapag naka-panaginip ka ng ikaw ay hinahabol ng kung ano o sino, ay tila bang nakakatakot at nakaka-kaba. Pero ayon sa ilang nagpaliwanag, Isang magandang mensahe maituturing ito para sa ating sarili.


Ipinapaliwanag nito na kung may pinagdadaanan na problema, harapin ito upang tuluyang malutas.

2. Pagkalagas ng Ipin

Sinasabi naman ng iba, kapag naka-panaginip ka ng ganito ay isang masamang pangitain. Ngunit ayon sa iba, kapag nakapanaginip ka ng natanggal na bulok na ipin, ang ibig sabihin nito ay mawawala o malalampasan ang kinakaharap na problema.

Magagawa lamang ito kung papakawalan ang nararamdaman.

3. Pera/Salapi

Lahat naman tayo ay gusto ang panaginip na ito. Ang pera ay nagsisimbolo ng kaswertehan sa buhay. Maaaring may malaking pagbabago sa buhay kapag ito ang napanaginipan.

4. Lumilipad

Ang mataas na paglipad ay nagsisimbolo ng pag-angat o pag-asesno sa buhay. Nagsisimbulo din ito ng kalayaan sa sarili o sa anong bagay na pumipigil sa iyo.

5. Ahas

Isang negatibong simbolo ang ahas sa karamihan. Dahil sa imahen nito ay maaaring maisip mo na isa itong hindi magandang pangitain.

Pero kung iisipin sa magandang paraan, ang ahas ay simbulo ng paghilom at pagbabago.

6. Nahuhulog

Kadalasan, itong panaginip na ito ang nagpapagising sa isang taong natutulog at nananaginip. Ang iniisip ng iba ay hindi rin ito isang magandang pangitain. Pero ang kuhulugan ng iba ay ang pag-papalaya ng nararamdamang hindi maganda at ipagpatuloy ang buhay.

7. Apoy

Ang pananaginip ng apoy ay may hindi magandang interpretasyon. Dumidepende pa rin ito sa klase ng panaginip.

Kung ang isang tao ay nanaginip ng naglalaro sa apoy, maaaring maging mapanganib o magkaroon ng hindi magandang pangyayari.

8. Umiiyak

Kung ikaw ay nanaginip ng umiiyak, ang kahulugan nito ay mayroon kang dinadalang mabigat na kailangan mo ng pakawalan.

9. Walang saplot sa publiko

Ang kahulugan ng panaginip na ito ay masasalamin sa iyong personalidad. Maaaring takot na takot kang ipakita kung sino ka talaga o nahihiya kang ipakita ang tunay mong sarili.

10. Panaginip ng isang mahal sa buhay na wala na

Kadalasan ay tinatawag itong “Visitation Dreams”. Pwedeng may kahulugan ito at pwede rin namang wala. Ang panaginip na ito ay maaaring mangyari kung sobra mong naiisip ang tao na ito o talagang namimiss mo ito.

Ang mga panaginip natin ay talagang mahiwaga at puno ng misteryo. Ngunit huwag nating hayaan na ang panaginip ang mangibabaw sa atin. Gawing gabay ang mga pangyayari sa panaginip natin.

Ang mahalaga ay nagigising tayo sa bawat panaginip natin. Ipagpasalamat na tayo ay buhay sa napaka-gandang mundong ito. Ang Panaginip ay Panaginip lamang! Ang mahalaga ay buhay ka sa makatotohanang mundo.




error: Content is protected !!