Mga Sinyales ng Pagkakaroon ng Sakit sa Bato at Mga Paraan kung Paano Maiiwasan ito



Ang ating mga Bato o “Kidney” ay napaka-halaga sa ating katawan dahil ito ay ang nagsasala ng mga dumi sa ating dugo at nilalabas ito sa pamamagitan ng pag-ihi. Para itong salaan na kung saan lahat ng nakaka-samang “toxins” ay tinatangal upang ilabas sa katawan.



Napaka halaga ng Kidney sa katawan, dahil kapag ito ay hindi na gumagana maaaring ito ay pagmulan ng malubhang sakit at mauwi sa “dialysis”. Ang pagkakaroon ng sakit sa Bato ay nagmumula rin sa mga ibang sakit katulad ng DiabÉtÉs at High-Blood Pressure. Hindi dapat pinag-sasantabi ang sakit na ito dahil kung magiging pabaya, baka pagdusahan kapag ito’y naramdaman na.

Isa sa paraan upang maiwasan ay ang pag-alam sa mga palatandaan ng sakit na ito. Ilan dito ay:


1. Pagmamanas o paglaki ng ibang parte ng katawan


Ang pagmanas ng mukha, kamay, at paa ay maaaring sinyales na may sakit sa kidney. Nangyayari ito dahil sa water retention sa katawan.

2. Kakaibang kulay ng ihi



Kung medyo namumula o may pagka-pink ang kulay ng ihi at hindi naman nireregla (sa mga babae), maaaring sinyales ng kidney stones. Kung ang ihi naman ay parating mabula ito rin ay isang sinyales na may sakit na sa bato. Normal ang bula sa ihi pero kung umaabot ito ng dalawang minuto at hindi nawawala or kahit buhusan mo ang inidoro mo mabula pa din maari itong senyales ng protain na kailangan mag pa check up sa doctor.

3. Palaging nangangati at nagkakaroon na ng Rashes



Ang kidney ay ang naglilinis sa ating dugo, kaya kung ang dugo na dumadaloy sa ating katawan ay marumi maaring maapektuhan ang ating mga balat na nagiging sanhi ng mga rashes.

4. Pagkakaroon ng Anemia


Isa sa mga ginagawa ng kidney ay ang pag gawa ng hormone na tinatawag na “Erthropoietin” na tumutulong sa produksyon ng dugo. Sa pagkakaroon ng sakit sa bato maaaring maantala ang pag gawa ng dugo sa katawan. Dahil sa kakulangan ng dugo sa katawan ito ay magiging sanhi ng anemia.

5. Nagiging lasang bakal ang mga kinakain

Kapag hindi nasala ang mga maruruming “toxins” sa katawan naiiwan ito sa bato. Ito ang nagiging sanhi upang maging lasang bakal ang mga kinakain o tinatawag na “metallic taste”.

6. Pananakit ng likurang-ilalim ng katawan

Ang ating mga bato ay matatagpuan sa likurang-ilalim ng ating katawan. Kung nakakaramdam ka ng pagkirot sa ganitong bahagi ay maaaring hudyat ng pagkakaroon ng sakit sa bato. Ang kalusugan ay mahalaga at dapat pangalagaan. Ang mga sakit na ito ay hindi naman mangyayari kung ito ay iiwasan. Ito ang mga ilang solusyon upang mapigilan ang pagkakaroon ng sakit sa bato:

1. Pag-iwas o pagbawas sa mga maaalat na pagkain

2. Limitahan ang pagkain ng mga matatamis upang hindi magka-diabÉtÉs. Pag-kontrol sa blood sugar level.

3. Ugaliing uminom ng maraming tubig araw-araw. Piliting huwag bumaba ng walong (8) basong tubig ang iniinom kada araw.

4. Limitahan ang pagkain ng mga matataba at ma-protinang pagkain

5. Huwag na masyadong gumamit ng mga sawsawan katulad ng mga pampaalat na toyo at patis.

Minsan ay mapapaisip na lang talaga tayo kung bakit ang mga masasarap pa ang mga bawal kainin. Kung tutuusin ay hindi naman talaga ito bawal.

Nasa tamang disiplina at limitasyon lang ito. Tandaan, hindi mapapalitan ng kahit anong yaman ang kalusugan, kung kaya’t habang maaga maging madisiplina at mahalin ang sariling katawan.

Source:PhDailyUpdates




error: Content is protected !!