Nakakabighani ang modern at laid back house nina Jericho Rosales at asawa nitong si Kim Jones.



Si Jericho Rosales, isang sikat na aktor, mang-aawit, kompositor, surfer at entreprenyur. Samantalang ang kanyang asawa naman na si Kim Jones ay isang blogger, fashion influencer, modelo, at isang photographer.



Noong una pa lang ay may paghanga na si Jericho Rosales kay Kim Jones ayon sa aktor. Ngunit ayon kay Kim Jones wala sa plano niya ang pumasok sa relasyon nang siya at pumunta sa Pilipinas. Ibinahagi pa ng aktor na minsan siyang bumili ng concert tickets para makasama si Kim Jones ngunit ito ay tumanggi kung kaya’t ang kanyang lalaking kaibigan na lamang ang kanyang nakasama.



Dagdag pa ni Kim Jones, na na-miss at hinanap hanap niya na kasama at kausap si Jericho Rosales bilang isang kaibigan hanggang sa ito ay lumalim na ng lumamim. Nagsimula man ang kanilang pagtitinginan sa paghanga, nauwi rin naman ito sa kasalan noong 2014 nang sila ay nag-isang dibdib. At sa ngayon ay masaya at kuntento silang naninirahan sa kanilang maaliwalas na tahanan.



Ang kanilang tahanan ay may modern at laid back na tema na kung saan talaga namang mahihikayat kang mamahinga. Ang kulay ng kanilang tahanan ay mala-minimalist style na karamihan ay puti para sa maaliwas na paligid. Marami din namang parte ang kanilang tahanan kung saan maaari silang mamahinga at magmuni-muning mag-asawa.



Mayroon din silang lugar sa kanilang tahanan kung saan maaaring mag-enjoy ang kanilang mga bisita at kaibigan. At dahil sa pareho silang mahilig sa tubig, tiyak na de kalidad na oras din para sa isa’t-isa ang pagbababad nila sa kanilang swimming pool.

Tunay ngang nakakatuwa na makitang masaya, maligaya, at kuntento silang mag-asawa sa kanilang buhay. Patuloy nilang sinusuportahan ang bawat isa. Hindi sila nagkukulang na suportahan ang bawat isa sa kanilang pangarap at sa karera na kanilang ninanais.

Isang napakagandang halimbawa sa mga mag-asawa ang kanilang pagmamahalan, at pagsuporta sa isa’t-isa.

Source:Ptama




error: Content is protected !!