Siya pala ang nagbibigay inspirasyon kay Jhong Hilario, kilalanin siya!



Sample King, Alakdan, Homer Adlawan o mas kilala bilang Jhong Hilario. Hindi lamang siya kilala bilang host ng programang It’s Showtime, o ang walang kasing lupit na Sample King sa dance floor, at ang nakakainis at nakakagigil na karakter na si Homer “Alakdan” Adlawan sa programang “FPJ’s: Ang Probinsiyano”, isa rin pa lang siyang romantiko at mangingibig.




Lingid sa kaalaman ng nakararami na si Jhong Hilario ay “in a relationship” sa kanyang non-showbiz na nobyang si Maia Leviste Azores, isa siyang cabin crew sa isang local airline company. Kapansin-pansin sa kanilang social media posts ang kanilang mga sweet moments at pagbyahe sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas at ng mundo.


Malaki man ang agwat ng edad nilang dalawa dahil mas matanda ng 15 taon si Jhong Hilario sa kanyang nobya hindi naman ito naging hadlang sa kanilang matamis na pagmamahalan. Bagamat noong una ay hindi sang-ayon ang pamilya ni Maia sa kanilang relasyon, pinatunayan naman ni Jhong na siya at may malinis na intensyon kay Maia at talagang mahal niya ito.
“Ito kasi ‘yong babaeng ipinaglaban ko talaga kahit sinabing hiwalayan na.



Mali ko lang din kasi nag-aaral pero no’ng nalaman ng family na ako ‘yong boyfriend, and siyempre dumaan sa masusing pag-iimbestiga ‘yan, kung ako ba ‘yong Gary sa Mara Clara, pero na-prove ko naman sa kanila na malinis ang intensyon ko,” ayon sa aktor.

Si Jhong Hilario ay kinasal noong 2005 sa British national na si Michelle Westgate ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama at naghiwalay sila noong 2011 dahil sa magkaiba nilang nais sa buhay. Natutunan raw diumano ni Jhong Hilario sa nauna niyang relasyon. Taong 2014 naman nang aminin niya ang relasyon nila ni Maia at ngayon ay magpipitong taon nilang relasyon.




Marami ang humahanga sa kanilang pagmamahalan at sila ay nagsilbi ring inspirasyon sa nakararami. Tunay ngang hindi rin hadlang ang edad sa pagmamahalan ng dalawang indibidwal.

Source:Ptama




error: Content is protected !!