Alamin ang mga benepisyong makukuha sa pagkain ng tanglad!



Ang tanglad ay kadalasang ginagamit pangtanggal lansa o pampalasa sa mga pagkain. Gayundin naman, ginagawa rin itong tsaa nang iilan dahil sa dami ng mga benepisyong maaari niton idulot sa ating katawan. Sa sariwang dahon pa lamang ng tanglad ay marami nang mga uri ng langis tulad ng lemon grass oil, verbana oil, at Indian Molissa oil. Mayroon din itong methyl heptenone, at terpenes. Mayroon namang alkanoids, saponin, a-sitosterol, ketone, flavonoids, chlorogenic acid, caffeic acid, p-coumaric acid at sugars.

Alamin kung saan pa maaaring maging lunas ang pag-inom o pagkain ng tanglad.



1. Pagtatae


Para sa matubig na pagdudumi, uminom ng pinaglagaan ng dahon ng tanglad, haluan ng dinikdik na luya at isang kutsarang asukal.


2. Pananakit ng ngipin


Pag-inom ng nilagang ugat ng tanglad saka inumin para sa mabisang paglunas sa masakit na ngipin.


3. Hirap sa pag-ihi


Pag-inom ng nilagang ugat rin naman ang mainam nalunas sa mahirap na pag-ihi.



4. Pananakit ng sikmura


Para sa masakit na sikmura, tsaa ng dahon ng tanglad naman ang dapat inumin.

5. Pananakit ng likod


Ang langis naman mula sa dahon ng tanglad na hinaluan ng langis ng niyog ay pinapahid sa nananakit na likuran upang mabawasan ang pananakit ng parte na iyon.



6. Rayuma


Sa pananakit ng katawan o rayuma ay safyang nakakabahala dahil sa bigay sa sakit sa iyong katawan lagyan lang ng langis din mula sa dahon ng tanglad ang mainam na lunas.

7. Altapresyon


Para sa pagbaba ng mataas na presyon painumin lamang ng tsaa mula sa dahon ng tanglad.

8. Pananakit ng ulo


Kung masakit ang iyong ulo at nahihirapan ka gawin lang ito para makatulong sa sakit ng iyong ulo, tapalan lamang ng dahon ng tanglad ang noo para maibsan ang pananakit.

Tunay ngang napakaraming benepisyo ang tanglad sa pang-araw-araw nating nararamdaman o nararanasan na sakit. Sinong mag-aakala na ang dating simpleng tanglad ay wonder tanglad pala!

Source:TheCampFireThoughts




error: Content is protected !!