Estudyante nagsulat ng excuse letter para kay teacher, nag-viral sa social media!



Marami tayong nababasa o nakikitang inspirasyon sa buhay sa mga iba’t-ibang social media platforms.



Sa araw-araw nating pagba-browse ng internet nakakakuha tayo ng mga life lessons na hindi natin akalain sa mga simpleng binabasa o napapanuod natin ay nakakakuha tayu ng mga magandang araw sa ating buhay na pwede nating gamitin.



Isa na rito ang pumatok at hinangaang liham o excuse letter ng isang estudyante na naninirahan sa Nueva Ecija para sa kanyang guro. Bilang isang guro, siya ay responsable sa paninigurong bawat estudyante o bawat mag-aaral ay nakakapasok sa paaralan ng tamang oras at nabibigyang pansin nila ang kanilang pag-aaral. Ngunit isang nakakakurot ng puso na mensahe ang tumambad sa isang guro ng malaman niya ang dahilan ng pagliban ng kanyang mag-aaral sa kanilang klase kinaumagahan.



Si Christian Jay Padilla Ordoña ay isang guro sa Bongabon National Highschool sa Barangay Sinipit, Bongabon Nueva Ecija. Ayon sa nag-viral na post ni Sir, “Bilang guro sa unang subject nila sa umaga, ako tumitingin ng attendance ng mga bata kung sino ang mga absent.



Guro siya ni Marinel ang batang nagsulat at nagbigay ng excuse letter kay Sir Christian Jay na may nakasulat na “Sorry po Sir Jay, hindi po ako nakapasok kaninang umaga dahil wala po akong baon. Kanina lang nakahanap si Nanay ng baon namin.” Ibinigay ito ni Marinel makapananghali nang siya ay nakapasok na sa paaralan dahil sa kawalan ng baon bandang umaga. Dahil na rin sa ginawang ito ng guro, marami ang nagnais magpahatid at magbigay ng tulong sa mag-anak ng batang mag-aaral na pursigidong makapagtapos ng kanyang pag-aaral sa kabila ng kahirapan sa buhay o kawalan man ng baon. Ito ay buhay na patotoong may mga bata pa ring nagnanais na makapagtapos kahit pa batid nila ang hirap sa buhay.

Huwaran siyang maituturing at inspirasyon sa nakararami.

Source:PinoyPress




error: Content is protected !!