Mga senyales na ang iyong minamahal ay nagsisinungaling sayo, alamin!



Masarap magmahal at mahalin, totoo naman ito! Tunay na akala mong ikaw ay nasa alapaap kapag kayo ay nagmamahalan na. Kili dito, kilig doon.



Patuloy at patuloy na paggawa ng mga masasayang alaala hanggang sa sabay ninyong makamit ang inyong mga pangarap bilang isang indibidwal o bilang isang magkarelasyon. Ngunit sadyang mapaglaro ang pagkakataon, ang akala mong “forever” na ay may hangganan pa pala lalo na kung masisira ang inyong pinakamatatag dapat na pundasyon, ang tiwala sa isa-t-isa.

1. OVERLY DEFENSIVE




Hindi maiiwasan sa isang relasyon ang mga argumento o ang minsang pakikipagtalo sa iyong minamahal ngunit kung tila nagiging overly defensive na siya sa iyong mga sinasabi o sa iyong mga tinatanong dapat mo na itong ikabahala, lalo kung dati naman ay hindi siya ganon sa iyo.


2. MADALAS INIIBA ANG USAPAN


Kung dati naman ay napaguusapan ninyo ang kahit anong bagay sa ilalim ng araw ngunit ngayon ay tila nag-iiba na ang ihip ng hangin at iniiba niya ang inyong usapan, baka naman siya ay may tinatago o iniiwasan?

3. HINDI KA MATINGNAN SA MATA


Sinasabing ang ating mga mata daw ang bintana sa ating kaluluwa kung saan ang mga lihim natin ay maaari din namang masiwalat. Ang dalawang taong nagmamahalan at walang itinatago sa isa’t-isa ay malayang makakatingin o makakatitig sa mata ng bawat isa.

4. MADALAS NAGAGALIT PAG KINAKAUSAP MO SIYA


Natural lamang sa isang relasyon ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan, maging ang komprontasyon na kung saan ay ipinapaalam mo na rin ang tunay mong nararamdaman o hinanakit sa iyong minamahal. Ngunit kung napapansin mong madalas na siyang nagagalit kung siya ay iyong kinakausap maaaring may ginagawa na siyang kalokohan na ayaw niyang malaman mo.

5. HINDI KA NA NIYA MADALAS PUNTAHAN O REPLAYAN.


Kung dati ay sobra sobrang pagpapahalaga ang nararamdaman mo mula sa kanya, bakit kaya ngayon ay hindi ka na niya madalas puntahan o replayan? Hindi ba’t kung mahal mo ang isang tao gagawa at gagawa ka ng paraan para siya ay makita o makausap man lang?

Source:TheCampFireThoughts




error: Content is protected !!