Ramdam mo na ba ang panlalamig ng iyong minamahal?



Love o pagmamahal, isa sa mga pinakamakapangyarihang salita dito sa ating mundo. Mabigat, malalim na salita, at talaga namang napakasarap maramdaman ngunit masakit din naman kapag nabigo.



Marami sa atin ang nakatagpo na ng tunay na pag-ibig at ang iilan naman ay patuloy pa ring naghihintay sa Mister and Miss Right nila. Ngunit paano kung ang inakala mong “forever” na ay manlamig o ma-fall out of love pa! Susuko ka na ba? o nagpapatuloy ka pa?


Ito ang ilan sa mga senyales na siya, ikaw, o sila ay na-fall out of love:

1. KAWALAN NG INTERES




Ang taong nagmamahal ay taong nasasabik na ipakita ang kanyang pagmamahal sa taong mahal nito. Naglalaan siya ng oras at panahon upang makasama ka ng matagal o kahit makita ka man lamang kahit sa sandaling panahon. Hindi rin siya nakakatiis na di ka makasama ng matagal dahil tila nakakaramdam siya ng pagka-miss o yung pakiramdam na hindi kumpleto ang kanyang araw nang hindi ka makasama. Kung wala na siyang gana na makita, makasama o surpresahin ka, marapat sigurong ito ay pagtuunan mo ng pansin.


2. PAGKAKAROON NG GAP O DISTANSYA SA ISA’T-ISA


Ang dalawang taong nagmamahalan ay mayroong kakaibang bond sa isa’t-isa na tanging sila lamang ang nakakaalam at nakakaramdam nito. Maaaring magkatampuhan o magkaroon sila ng away ngunit naayos din naman ito kaagad at bumabalik din sila sa dati. Kapag mayroon nang distansya o gap sa isa’t-isa ito ay nakakaalarmang senyales na na-fall out of love na ang iyong minamahal.

3. MADALAS NA PAGTANGGI SA PHYSICAL INTIMACY


Madalas rin na makikita at mapapansin sa dalawang taong nagmamahalan ang paghahangad o pagsisimula ng intimacy o touch sa isa’t-isa. Kung ang iyong minamahal ay umiiwas na o tumatanggi sa intimacy maaaring senyales na ito ng panlalamig niya.

4. KAWALAN NG ATENSYON SAYO


Atensyon ang isa sa mga inaasam-asam ng ating minamahal mula sa atin. At ito rin naman ay malaya nating ibinibigay sa taong ating pinahahalagahan.

Kung wala na ang atensyon sa iyo ng mahal mo, maaaring siya ay na-fall out of love na.

Source:PhDailyUpdates




error: Content is protected !!