Bangs Garcia na Artista Noon, Namumuhay ng Masaya Ngayon Kasama ang Pamilya niya!



Si Bangs Garcia na ang tunay na pangalan ay Valerie Pablo Garcia ay isang dating artista sa ABS-CBN. Ang sikat na aktress na ito ay hinangaan ng karamihan dahil sa taglay nitong kagandahan. Ang kanyang katanyagan ay ang mga taong 2008 hanggang 2009 kung saan ay naging sikat siya sa mga palabas katulad ng: Midnight DJ, Kambal Sa Uma, Katorse, Precious Hearts: My Cheating Heart, Shake Rattle and Roll XI, Migrante and Marino.



Si Bangs Garcia ay taga Davao City. Nagumpisa ang kanyang kasikatan ng nanalo siya sa isang kompetisyon sa Davao na Campus Idols. Siya ay nag-aral sa Ateneo De Davao University sa taong 1993-2005. Hindi lamang pagiging aktress ang anking talento ng magandang babae na ito. Bagkus, siya ay isang mahusay na pintor.



Pero ang iba sa sa atin ay nagtataka kung bakit wala na sa siya sa showbiz. Si Bangs Garcia ay kinasal sa isang Hunk at Gwapong lalaki na pangalan ay Fil-Brit Lloydi Birchmore sa England. Ang naging kasal ay naging simple at romantiko para sa dalawa. Ang civil wedding ng dalawa ay nakita sa post ng matalik na kaibigan ni Bangs Garcia na si Allan Altera. Ayon kay Allan Altera: “This was taken last year during their civil wedding in UK. Ako ang nag hatid skanya sa altar hahaha!”. Ang kanilang simpleng romantikong kasal ay naganap noong nakaraang Enero 2017.



Nagkakilala si Bangs Garia at si Fil-Brit Lloydi Birchmore sa Boracay. Marahil ito ang naging dahilan upang ang kanilang Civil wedding ay maganap sa isang beach resort din sa England. Ang pangalan ng resort ay Asia Premier kung saan nagpalitan sila ng salitang “I do” ng hindi lang isang beses kundi tatlong beses pa


At dahil sila ay isang pamilya na. Nagkaroon sila ng anak na ang pangalan ay Amelia. Pinakita agad sa isang post sa Instagram ang pangyayari kung saan ay pinanganak ni Bangs Garcia ang kanyang anak na kasama ang kanyang asawa.




Si Bangs Garcia ngayon ay masayang naninirahan ngayon sa kanyang pamilya. Wala man siya sa showbiz ngaun, masaya niyang ginagampanan ang kanyang responsibilidad ng isang magulang sa kanyang anak. Sila ngayon ay residente ng United Kingdom. Ang nagiging sanhi ng kabuhayan ngayon ni Bangs ay ang kanyang business na mga damit na mga painting niya ang mga naka-imprenta at mga ibang disensyo mula sa ibang pintor.


Pinakita sa atin ni Bangs Garcia na ang katanyagan sa buhay ay isang pribilehiyo. Pero kung may pagkakataon sa buhay na sumaya dapat ay huwag ng magdalawang isip dahil hindi na natin alam kung kailan pa ito mauulit.

Source:Ptama






error: Content is protected !!