Isang Tsismosang Babae ang Humaharap Ngayon Sa Kasong Ciber Libel



May mga taong ang kanilang libangan ay pakikipag-kwentuhan tungkol sa mga iba’t ibang bagay. Itong mga taong ito ay naaaliw kapag may mga napaguusapan na kakaiba o minsan ay paulit-ulit lang.



Tila bang pang-ubos oras nila ang mga kwentuhan. Ngunit may mga ibang tao naman na sa sobrang daming oras nila ay nakukuha pa nilang gumawa ng kwentong negatibo sa ibang tao. Tsismisan na ang tawag dito. Ang tsismis ay mga kwentong maaaring totoo, paninira, o mga kwentong nagawa dahil sa pagka-ingit, o kaya naman ay gusto lang talaga nila. Sadyang kinasasaya ng iba ang tsismisan. Imbis na may magawa silang mas mahalaga na gawain ay mas pinipili pa nilang makipag-sitsitan sa mga ibang tao. Likas sa ibang lugar ang tsismisan. Kaya naman kapag napag-tsismisan ka at ang mga negatibong kwento ay kumalat na, maaaring maka apekto ito sa buhay mo.


Bilang isang indibidwal, pinangangalagaan natin ang ating pangalan. Mahalaga ang integridad ng isang tao. Kaya naman kapag nalaman natin na may mga taong sumisira sa atin ay tayo ay nagagalit.


Marahil ilan sa mga dahilan ng mga taong mahilig sa tsismis ay pagka-inggit, selos, kina-iinisan, na-agrabyado, away, o sadyang libangan lang. Pero ang totoo ay kung sino ang mga gumagawa ng tsismis ay sila talaga ang mga taong negatibo at hindi nakakatulong sa komunidad. Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya ay siya ring pag-unlad ng tsismisan. Tila bang mas lalong nagiging aktibo ang mga tsismoso at tsismosa sa pamamagitan ng Social Media. Ito minsan ang nakikitang negatibong epekto ng Social Media, pero ang totoo ang sumisira lang naman sa ganitong pagbabago sa buhay natin ay ang mga negatibong taong gumagamit.


Kung sakaling dumating sa punto na kayo ay siniraan o ginawan ng tsismis, pwede niyong kasuhan ng Cyber Libel ang taong ito. Katulad na lang sa nangyari sa isang inakusahang Tsismosa na naka-piit ngayon sa Bantayan Police Station sa Cebu.




Siya si Fretchelle Dawa na nireklamo ng isang tao na tinago ang kanyang pangalan. Si Fretchelle Dawa ay isang tindera na nagkakalat ng tsismis na laban sa taong nagreklamo sa pamamagitan ng Facebook Messenger. Siya ay humarap ngayon sa kasong Cyber Libel. Hindi naman nilinaw kung ano talaga ang mga kinakalat na negatibo ni Fretchelle Dawa. Pero kung mapapatunayan na ginawa talaga ito ni Fretchelle Dawa, maaaring makulong siya ng hanggang 12 taon at may piyansang 10 Libong Piso. Buti na lang ay mayroong mga batas upang protektahan ang pangalan ng isang tao sa Internet at sa Social Media. Dahil sa Republic Act 10175 o tinatawag na Cybercrime Prevention Act of 2012 ay pwede na natin ipagtanggol ang ating sarili sa mga taong maninira at gagawa ng hindi totoong kwento tungkol sa atin.

Sana ito ay maging babala sa mga mahihilig manira ng tao. Pagisipan muna ng mabuti ang mga bagay bago ito ilabas at sabihin. Mas mainam pa rin kung palaging positibo at masasaya ang kwentuhan. Iwasan na ang Tsismisan, ugaliing magkwento ng mga magagandang bagay upang ang buhay ay maging masaya at makulay.




error: Content is protected !!