Mga sundalong anak sinorpresa ang kanilang ina sa kanyang kaarawan!



Pagsasama-sama ng pamilya ang isa sa pinapangarap ng maraming Pilipino sa atin. Mawalay lamang ang isang miyembro ng ating pamilya ay tila hindi na kumpleto ang mga selebrasyon at iba pang espesyal na okasyon.



Halimbawa na lamang ang isang 51 taong gulang na ina na kung saan ay muling nakita ang kanyang mga sundalong anak na nagsamasama sa kanyang kaarawan. Hindi napigilan ng ina na maiyak dahil sa labis na kagalakan sa muli nilang pagkikita kita at pagiging kumpleto. Ang tatlong sundalo na kanyang anak ay sina John Melvin na isang piloto sa Philippine Air Force, sina Gerson at George Bernard na kapwa nagsisilbi sa Philippine Army.









Ayon sa kanilang ina na si Ginang Milvina Garcia, ang mga karanasan ng kanyang mga anak ang nagpatatag sa kanya at lalong nagpalapit sa kanya sa Diyos.
Ayon pa kay George Bernard, “Masarap sa pakiramdam kapag nagsisilbi ka para sa bayan lalo kapag nakikita mo ‘yung mukha ng mga bata, mga tao doon sa area — nakangiti.



Masasabi mo sa sarili mo na ginagawa ko it para sa mga taong ito.”



Ayon pa kay Ginang Milvina, “Para sa amin, mabuhay lang kami na kumpleto. This is my happiest birthday,” walang sidlan ng kagalakan at kkasiyahan ang ina at ama ng mga sundalong ito na sa kabila ng pagiging sundalo nila nagkaroon sila ng panahon at pagkakataon na makapiling ang kanilang pamiya, lalo na ang kanilang ina sa espesyal na kaarawan nito.


Mabigat man na responsibilidad ang pagiging sundalo ng pilipinas ng kanyang mga anak patuloy pa rin ang kanilang pagsuporta sa mga ito kasabay ng panalangin nang kanilang kaligtasan sa araw-araw nilang mga misyon bilang sundalo.

Tunay nga na kapag kumpleto ang pamilya, walang mapagsidlan ang kaligayahan ng bawat isa. Labis labis ang pasasalamat ng ina sa mga tao na naging dahilan ng muli nilang pagsasama-sama


Source:VirtualPinoy




error: Content is protected !!