Pagtataksil ng Asawa Nagiging Sanhi ng Pagkaroon ng Sakit sa Puso



Ang pagpapakasal at pagkakaroon ng pamilya ay isang biyaya na ipinag-kaloob sa dalawang taong nagmamahalan upang maging isa sa mata ng Diyos at sa mata ng tao. Bakit ito ay isang biyaya? Simple lang, may ilan sa atin ay pilit humahanap ng makaka-pareha pero hindi ginagantimpalaan ng pagkakataon. Ang pagkakaroon ng pamilya ay hindi dapat binabalewala. Ang nagiging sandigan ng bawat isa ay ang matibay na samahan na punong-puno dapat ng pagmamahal. Ngunit may iilan na nasisira ang katatagan ng isang pamilya dahil sa pangangaliwa ng ibang asawa. Sa ganitong pangyayari ay sinasayang ang biyaya at binabalewala ang mga pangakong binitawan noong kinasal sila.

May ilang eksperto na pinag-aralan ang mga hindi magandang dulot ito sa kalusugan. Ang pagtataksil sa asawa ay totoong nakakasama sa inyong relasyon at pamilya. Karagdagan pa ay ang magiging epekto sa kalusugan.



Ito ang mga dahilan kung bakit nagiging masama ito sa kalusugan at nagiging resulta upang magkaroon ng sakit sa puso:

1. Dahil alam mong nagtataksil ka sa iyong partner, Madalas ay kinakabahan ka



2. Pagka-balisa at hindi makatulog sa gabi dahil sa pagiisip sa mga nagagawang pangangaliwa


3. Nahihirapan dahil ang madalas na napipiling kabit ay mas bata sa asawa. Nagkakaroon ng tensyon sa pagiisip dahil sa age gap.



4. Sa sobrang Pag-iisip ay ang nagiging dahilan upang malayo sa ating Panginoon.

Karaniwan ay ito ang mga nagiging dahilan upang magkaroon ng komplikasyon sa puso ang mga taong nagtataksil. Sa sobrang pag-iisip at takot na malaman ang pagkakamali ay nagreresulta upang magkaroon ng tensyon sa pag-iisip. Ang emosyon natin ay may kaugnayan sa ating pag-iisip at sa pag-tibok ng puso. Kaya kung puro negatibong emosyon ang nararamdaman mo maaaring maapektuhan ang pagdaloy ng dugo sa iyong katawan.



Sino ba ang mga karaniwang nagtataksil sa kanilang asawa?

Ayon sa ilang pagaaral, ito ang ilan sa mga dahilan ng pangangaliwa:

1. Walang pananalig sa Diyos


Kapag may paninindigan sa mga ipinangako mo sa altar, hindi sasagi sa isip na maghanap ng iba. Dahil ang may pananalig at takot sa Diyos ang nagpapatibay ng pagmamahalan ng mag-asawa.



2. Hindi na masayang relasyon sa iyong partner


Kung wala ng kilig at kulay ang isang relasyon, maghahanap talaga ng iba ang partner mo. Ang pag-aasawa ay parang isang halaman na kailangang alagaan, ingatan, at mahalin upang maging maganda at maayos ang mga bunga nito.

3. Impluwensya ng mga nakapaligid o mga negatibong mga kaibigan


Madaling masira ang isang relasyon kapag mahina ang iyong personalidad upang labanan ang mga tukso. Kung alam mong mahina ka sa mga tukso, mabuting umiwas sa mga taong maaaring magdala sa ikakasira ng iyong pamilya.

4. Ang mga negatibong personalidad katulad ng pagiging mayabang, kahiligan, at pagiging dominante.


Sa mga ibang relasyon, nalalaman na lang ng iba ang tunay na ugali ng kanilang asawa kapag nakasama na. Sa ganitong pagkakataon ay nalalaman na ang mga hindi magandang ugali ng partner. Ang pagaasawa ay dapat maging balanse lamang. Dapat walang lamangan ang bawat isa. Kung ang asawa mo ay mayroong ganitong mga negatibong personalidad, maaaring ito ang maging dahilan upang maghanap pa sila ng iba. Ang dapat na gawin ay suriin ang sitwasyon, pagaralan ang sarili kung paano ang magiging solusyon, at daanin palagi sa magandang usapan upang unti-unti mong mabago ang mga negatibong personalidad ng iyong partner.

Source:TheDailyNewsBlog




error: Content is protected !!