Propesor na bumuhat sa anak ng kanyang estudyante dahil ayaw tumigil sa pag-iyak pinuri ng mga netizens



Ang edukasyon ay kayamanang itinuturing ng nakararami sa atin lalung lalu na sa ating bansa. Malaki ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa edukasyon. Ito ang pinanghahawakang susi ng nakararami sa pag-abot ng kanilang mga pangarap at pagkamit ng kanilang tagumpay sa pag aaral at sa propesyonal na buhay.



Marami ang nakapansin sa social media sa larawan ng isang propesor na mayroong hawak na sanggol. Ayon sa social media post na mula sa anak ng propesor. Napansin ng matandang propesor na umiiyak ang anak ng kanyang estudyante kung kaya para makasali sa “group exercise” ay kinarga niya ang bata at pinatahan.

Ginawa niya ito para na din hindi maapektuhan o mawala ang pokus ng ibang mag-aaral. Sinasabing kadalasang sa matandang edad na nakakapag-aral ang ilang mga tao roon dahil sa military service na kanilang ginagawa.




At sa kabila ng pagkakaroon ng propesor ng apat na anak at limang apo hindi raw siya “baby whisperer” bagkus ibinibigay niya lamang ang kalinga na kailangan ng mga bata at maging ng mundo. Ang 67 taong gulang na propesor na ito ay si Sydney Engelberg ng Jerusalem, Israel na nagtuturo ng graduate courses in Behavioral Organization sa Hebrew University at Ono Academic College.

Napansin ng kayang anak na si Sarit Fishbain ang pagkalat ng larawan ng ama sa social media kung kaya naman pinost din niya ito ng may caption na, “The way he sees the concept of getting the education is not only learning the dry facts that you need to learn in class, but also learning values.”
At tinapos niya sa mga katagang, “My father is the best in the world.”


Tunay ngang kahanga-hanga ang mga propesor na katulad niya! Nawa ito ay magsilbing paalala sa mga propesor at sa mga mag-aral kung gaano kahalaga ang edukasyon at ang pagkakaroon ng mabuting guro o propesor.




error: Content is protected !!