Silipin ang magarang condo unit ni Iza Calzado na talaga namang kinamamanghaan ng marami



Marami sa atin ang nagnanais ng makapagpundar ng sarili nating tahanan. Marahil marami sa atin ang nakamit na ito, ang iba naman ay patuloy pa rin na nagsusumikap para sa kanilang pangarap.



Maging ang ating mga idolo na artista priyoridad din ang pagkakaroon ng sariling tahanan o dream house. Isa na dito si Iza Calzado o si Maria Izadora Ussher Calzado, 36 taong gulang, isang sikat na aktres, host, mananayaw at modelo. Marami ang nagulat sa ganda ng kanyang dalawang palapag na condo sa Makati.






Katuwang ni Iza Calzado ang kanyang kaibigan at interior designer na si Nix Alanon. Espesyal daw ang tahanan na ito ni Iza para sa kanya dahil sa ito ang bunga ng kanyang sipag, tiyaga at pagpupursige sa buhay. Bawat sulok at parte ng kanyang tahanan ay kumakatawan sa kanyang “naughty and nice” na personalidad. Ayon pa sa aktres dapat daw na French ang style ng kanyang tahanan ngunit napansin niyang masyado itong “girly” salungat sa kanyang personalidad kung kaya mas ninais niyang maging feminine pa rin pero may edge ang kanyang tahanan na mala-naughty and nice din na naayon sa kanyang personalidad.


Tunay ngang nakakamanghang malaman ang pagpupursige ng mga paborito nating artista para patuloy na maabot ang kanilang mga pangarap. Isang hamon rin naman na maituturing na kahit pa sila ay may mga natamo nang kasikatan, hindi pa rin sila tumitigil na mangarap para sa kanila at para sa kanilang pamilya.

Ito ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan at sa mga taong walang sawang nangangarap sa buhay. Inspirasyon ito na kahit anong edad man o estado sa buhay basta’t huwag lamang mawawalan ng pag-asa bagkus ay matuto pa rin tayo na magpursige at magtiyaga pa sa buhay.



Source:Ptama




error: Content is protected !!