Anim Na Paraan Upang ang Pananakit Ng Paa Ay Malunasan



Sa araw-araw nating ginagawa at trabaho, kaakibat na dito ang ang mararamdamang pagod. Karaniwan ay sumasakit ang ating katawan o kaya ay nanlalata. Isa sa mga madalas na gamit sa ating katawan ay ang ating mga paa. Kaya naman minsan ay nakakaramdam tayo ng sakit at pamamaga ng paa. Isa rin sa mga dahilan ng pananakit ng paa ay ang maghapong naka-kulob ito sa sapatos lalo na kung ito ay masikip. Ang ilan pang dahilan ng pananakit ng paa ay maaaring sanhi ng pagbubuntis, sa sirkulasyon o pagdaloy ng dugo, o dahil sa sobrang pagod.

Sa kagustuhan natin na makapag-pahinga pagkatapos ng trabaho minsan ay nangyayari ito sa ilan. Kaya naman iba-ibang paraan ang ginagamit upang malunsan ang sakit na ito. Napaka-halaga ng ating mga paa. Isipin mo na lang kung ito ay mawawala sa iyo. Kaya habang maaga ay dapat malaman kung ano ang mga lunas kapag ang sakit ng paa ay maramdaman.



1. Pagsuot ng compression socks o stockings

Ang compression socks ay sadyang ginawa upang mag-apply ng pressure sa binti at paa. Ang mga elastic garments na ito ay tumutulong sa pagdaloy ng dugo sa binti at paa. Pinipigilan nito ang pag buo ng fluid sa inyong paa.

2. Pagbabad sa tonic water

Ang tonic water ay may sangkap na tinatawag na “quinine” na isang natural anti-inflammatory. Ang sangkap na ito ang nagiging dahilan na kapag binabad mo ang iyong paa sa tonic water ay giginhawa ang iyong pakiramdam. Ang tonic water ay mabibili mo sa mga drugstore, supermarket, o sa grocery store.


3. Pagbabalot ng repolyo sa paa

Isang natural na paraan upang maibsan ang sakit sa paa ay ang tinatawag na “cabbage wrap”. Ang nilagay na repolyo sa ref ay tatanggalan ng balat at itatapal sa masakit na parte ng paa at babalutan ng plastic wrap upang hindi matanggal. Panatilihin ng 30 minutos upang mawala ang sakit.

Ang repolyo ay nagtataglay ng maraming bitamina. Bukod sa ito ay masustansyang gulay na panahog. Ito ay mayroong mahalagang sangkap na phytonutrients na naigiging sanhi upang mawala ang pamamaga.


4. Ibabad ang paa sa epsom salt at tubig

Ang Epsom Salt ay isang uri ng asin na may taglay ng maraming tulong sa kalusugan dahil mayroon itong Magnesium. Ang asin na ito ay tumutulong upang ang pamamaga ay mawala dahil mabilis naa-absorb ng balat ang asin na ito. Ibabad lamang ang paa sa Epsom Salt at tubig ng 15-20 minuto. Hindi lamang pananakit ng paa ang mawawala, nakakatulong din ito upang mawala ang mabahong amoy ng paa. Ito rin ay mabibili sa mga drugstore at grocery.

5. Cold Compress

Isa ito sa mga sikat na solusyon sa pamamaga. Ang Cold Compress ay ang nagpaparelax sa mga muscles upang gumaan ang sakit na nararamdaman. Sa pag-apply nito ay mawawala ang pamamaga ng paa.



6. Uminom ng maraming tubig

Napakahalaga ng tubig sa ating katawan. Kapag kinulang ka ng tubig ay maaapektuhan ang mga muscles at nagiging sanhi upang magkaroon ng pamamaga. Ugaliing uminom ng 8 na baso o higit pa.

Source:PhDailyUpdates




error: Content is protected !!