Mga sikat na hollywood actors na muntik nang masawi dahil sa kanilang mga stunts sa kani-kaniyang pelikula



Maraming kabataan ngayon ang nagnanais na pumasok sa industriya ng show business. Tunay ngang isang malaking hamon talaga ang pagiging artista. Mas malaki man ang kita kaysa sa ibang mga uri ng trabaho ngunit hindi natin maipagkakaila na may mga panganib pa rin itong hatid lalo na sa iba’t-ibang karakter na ginagampanan ng bawat artista. Ngunit aakalain mo bang ilan sa mga artistang ito sa hollywood ay muntik muntikan nang masawi dahil sa mga stunts na kinailangan nilang gawin o sa mga karakter na dapat nilang gampanan. Kilalanin sila!

1. ISLA FISHER




Naalala mo ba ang pelikula na “Now You See Me” kung saan ang isang karakter ay nasa loob ng isang tangke na punong-puno ng tubig? Hindi pala ito pag-arte lamang kundi nangyari talaga! Buti na lamang at nakaligtas siya sa aksidenteng iyon.

2. SYLVESTER STALLONE


Sa pelikulang Rocky 4 naman ay naospital si Sylvester Stallone ng mahigit sa apat na linggo dahil tinamaan siya ni Dolph Lundgreen ng malakas na suntok malapit sa kanyang puso.



3. MICHAEL J. FOX



Nakilala siya sa “Back to the future III”. Isa rin siya sa mga aktor na muntik nang madisgrasya dahil sa paggawa ng mga delikadong stunts. Ang scene na ito ay mukhang totoo dahil sa nadulas talaga siya ng totohanan at muntik nang mabitay!

4. TOM CRUISE


Muntik nang mapahamak si Tom Cruise kasama ang kanyang kapwa artista na si Emily Blunt nang imaneho ni Blunt ang sasakyan at patakbuhin ito ng sobrang bilis na naging dahilan para mabangga sila sa isang puno.

5. MARGARET HAMILTON


Muntik na rin siyang mapahamak nang hindi magbukas ang pintuang dapat niyang lalabasan matapos ang pagsiklab ng apoy sa kanyang pelikula kung saan nagtamo siya ng 2nd at 3rd degree burn.

6. ED HARRIS


Sa pelikulang “The Abyss” kung saan si James Cameron ang direktor, inutos niyang bigyan ng limitadong supply ng hangin si Ed Harris na muntik nang ikapahamak ng aktor. Hindi ito nagustuhan ni Ed Harris kung kaya mula noon ay hindi na siya nakipagtrabaho pa kay James Cameron.




error: Content is protected !!