Okra, Hindi Lang Gulay! Mabisa Rin palang Medisina!



Paborito ng maraming Pinoy ang gulay na Okra. Hindi talaga mawawala ito na panahog sa mga ulam katulad ng Sinigang, Pakbet, Diningding, at marami pa. Ang ilang pinoy naman ay nilalaga lang ito at sinasawsaw sa bagoong. Karaniwan ng kumakain at tumatangkilik nitong gulay na ito ay ang mga matatanda. Pero inaayawan naman ng mga bata dahil sa kakaibang pakiramdam habang kinakain ito. Ang Okra ay isang kukay berdeng gulay at ang loob nito ay ang naglalapot na mga buto. Tinatawag din itong “Little Fingers” dahil tila bang mga daliri ang itsura nito.

Totoong napaka-mahal ng mga tindang gulay ngayon. Lalo na 2ang Okra. Huwag ka ng magtaka dahil ang Okra ay isa sa mga gulay na nagtataglay ng napaka-raming sustansya. Mayaman ang Okra sa mga bitamina at mineral katulad ng Bitaminang A, B, C, E, at K. Naglalaman din ito ng Calcium, Magnesium, Potassium, Iron, at Zinc. Higit pa rito ang Okra ay makukuhanan ng Mucilaginous Fiber.

Isa sa mabisang paraan upang makuha lahat ang nutrition nito ay ang pagbabad ng Okra sa tubig. Sa gabi, maghiwa ng Okra at Ilagay sa Isang malinis na pitsel. Lagyan ng malinis na tubig inumin at ibabad ng buong magdamag. Pagka-gising sa umaga ay kainin ang Okra at inumin ang tubig.



Kapag ito ay nagagawa mo araw-araw, ito ang magiging magandang epekto sa iyong kalusugan:

1. Digestive Health

Dahil nagtataglay ito ng Mucilaginous Fiber, ito ang nagiging dahilan upang maging maayos ang iyong panunaw. Nagiging regular ang pagbabawas at nababawasan ang pagkakaron ng Cramping, Constipation, Bloated, at Excess Gas. At para sa mga nagtatangal ng taba, ang Okra ay mabisang gulay upang mawala ang Cholestetol sa katawan.


2. Immune System

Ang Okra ay pinagmumulan din ng Vitamin C. Kaya naman kapag kumain ka ng gulay na ito ay siguradong makakatulong ito upang palakasin ang iyong immune system. Ang Vitamin C ang nagiging sanhi upang magkaroon tayo ng White Blood Cells sa katawan na siyang lumalaban sa mga hindi magandang bagay sa katawan.

3. Blood Pressure and Heart Health

Isa ito sa mga mahahalagang benepisyo ng pagkain ng Okra. Ang pag-aalaga sa ating puso at presyon. Ang Okra ay mayaman sa Potasium na kinakailangan natin sa katawan upang bumalanse sa sodium sa katawan. Upang magkaroon ng tamang fluid sa katawan. At higit sa lahat, ang Potassium ay ang nagpapa-relax ng mga blood vessels na nagiging sanhi ng pagbaba ng presyon.


4. Vision Booster

Ang Vitamin A ay ang bitaminang kinakailangan ng ating mata. Bukod sa Vitamin A, mayroong ring mga anti-oxidant components ang Okra katulad ng Betacarotene, Xanthein, at Lutein na pumipigil sa paglabo ng mata. Ang mga anti-oxidants na ito ang tumutulong upang mapanatili ang ating mga mata.

5. Skin Health

Dahil sa Vitamin A na nakukuha sa Okra, hindi lang sa mata ang naitutulong nito. Ang mga anti-oxidants ay tumutulong din sa ating balat. Pinabibilis nila ang pag-galing ng mga sugat, pinipigilan ang pagkakaroon ng mga peklat. Sa mga gustong magpaganda, iniiwasan din nito ang pagkakaroon ng Acne at Wrinkles.



Sa sobrang dami ng bitaminang makukuha sa Okra. Para ka na ring bumili ng mamahalin at sikat na mga Vitamin Capules/Tablet. Sa sobrang dami ng maitutulong sa iyong katawan ng Okra nagiging sanhi pa upang maging maayos tayong tignan. Tunay nga ang kasabihan na “Ang Gulay ay Pampahaba ng Buhay”.




error: Content is protected !!