Ang Nakaka-hangang Pagsusulat ng Isang Grade 8 na taga-Nepal



Noong tayo ay mga bata pa lamang, sinumulan tayong turuan ng ating mga magulang magsulat. At pinagpatuloy ang pagsasanay noong tayo ay pumasok na sa paaralan. Ang pagsusulat ay isang mahalagang kakayahan na kinakailangan sa pangaraw-raw na buhay. Kaya naman ang ibang tao ay talaga namang pinapaganda ang kanilang paraan ng pagsusulat dahil natutuwa sila kapag nakikitang maganda ito.


Maaaring nasasalamin sa sulat-kamay ang personalidad ng isang tao. Ang ibang tao ay binigyang kahulugan ang paraan ng pagsusulat. Sinasabi ng iba na kapag pataas kang magsulat ay matibay at may paninindigan kang tao. Kapag naman mabilog kang magsulat ay ikaw ay madiskarte at malikhaing tao. Sa sobrang dami nang nagiging kahulugan nito ang importante lang naman ay maintindihan mo at ng ibang tao ang sinusulat mo. Ang pagkakaroon ng magandang “penmanship” nakakapagbigay ng tiwala sa sarili.




Dahil sa social media, nadiskubre ang isang indibidwal na may angking talento sa kanyang sulat-kamay. Maraming netizens ang nabilib sa angking talento ng isang elementaryang babae na taga-Nepal.


Sa iskwelahang pangalan ay Sainik Awasiya Mahavidyalaya nadiskubre ang isang batang hindi matatawaran ang kagandahan sa kanyang sulat-kamay. Si Praktiri Malla ay isang Grade 8 na may edad na 14 taong gulang. Nadiskubre siya ng kumalat ang mga litrato ng kanyang sulat-kamay sa internet. Hindi nagtagal ay pinag-uusapan na ang sulat-kamay niya ay parang galing sa kompyuter. May iba pang nagsabi na mas maganda pa ito sa mga istilo ng sulat-kamay sa MS Word. Kung mapapansin sa kanyang pagsusulat, ang distansya sa bawat letra ay pantay-pantay na ayon sa mga eksperto na halos perpekto ang pagkaka-sulat.



Sa pinamalas niyang kagandahan ng kanyang sulat-kamay, siya ay pinarangalan ng best handwriting award ng Nepali Armed Forces. Ang pagkakaroon ng ganitong talento ay matuturing na bukod tangi. Bibihira lang ang may angking ganitong talento. Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya, madalas ay dumedepende na lang tayo sa kompyuter at printer.



Ngunit, iba pa rin ang pakiramdam kapag isinulat mo ang mga nasa isip mo lalong lalo na kung ang babasa nito ay ang mga taong mahalaga sayo. Si Praktiri Malla ay ang nagpapatunay na kaya ng isang tao na tumbasan ang nagagawang kagalingan ng teknolohiya sa larangan ng sulat-kamay




error: Content is protected !!