Hindi mo maipagkakaila na siya nga ay anak ng isang Jericho Rosales



Hindi madali ang pagiging isang magulang ngunit hindi rin naman natin maipagkakailang ito ay napakasarap na pakiramdam kasabay nang mga bagong bagay na maaari mong matutunan.



Kasabay ng mga pagpupuyat, kapaguran, mahahabang pasensya at walang humpay na pagliligpit ng mga kalat ng mga chikiting, paulit-ulit man ngunit patuloy at patuloy pa rin nating ginagawa nang walang hinahangad o hinihintay na kapalit.







Tunay ngang ang pagiging ama o ina ay isang pagpapala mula sa Diyos. Maging ang ating mga paboritong artista ay naranasan nang maging magulang at karamihan sa kanila ay mga “proud parents”. Isa na rito si Jericho “Echo” Rosales na pinagbibidahan ang programang “Halik” na gabi-gabing inaabangan ng maraming Pilipino. Maaaring nagulat ka nang malaman mong si Jericho Rosales ay mayroon nang anak.





Siya ay si Santino Rosales anak nina Jericho Rosales at dating modelo na si Kai Palomares. Siya ay 18 taong gulang na at kamakailan lamang ay nakapagtapos siya ng ika-labindalawang baitang o grade 12. Ayon kay Jericho hindi niya nais pasukin ni Santino ang show business dahil mas nakikita niyang ito ay magiging Olympian dahil sa hilig nito sa mga sports.


Ayon naman mismo kay Santino, nakita niya ang kalakaran sa industriya kung kaya naman mas nanaisin niyang hindi pasukin ang magulong mundo nito. Lalo na at ang kanyang ama ay isang magaling na aktor tiyak raw na hindi maiaalis na pagkumparahin silang dalawa. Ayon sa isang interview sa binata,




“I’ve seen the way the industry is, and I’ve seen the way it gets to you, and it doesn’t appeal to me. I’d rather stay outside the limelight and also because of competition. People will start comparing me with my dad like what happens with other people, and I don’t want that. I’d rather build myself as my image, not as someone’s son.”


Siya ay kasalukuyang miyembro ng PMAP o ng Professional Models Association in the Philippines.




error: Content is protected !!