Ito na pala ang buhay ni Luningning ng Wowowee noon!



Sino nga ba ang makakalimot sa sikat at kilalang palabas noon na Wowowee? Kung saan ito ay naging tulay para sa mga pangarap ng mga pangkaraniwang Pilipino. Ito rin ang nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa nakararaming Pilipino.



Nagiging daan din ang programang ito upang magbago ang buhay ng isang indibidwal. Halimbawa na lamang ang mga tao na nagnanais na makita o makapiling muli ang kanilang mga mahal sa buhay. Maging ang ilan sa mga sikat na personalidad ay mayroon ring malaking pagpapahalaga sa programang ito dahil sa naitulong nito sa kanilang buhay at kani-kaniyang karera.

Halimbawa na rito ang sikat na dancer na si Luningning, ngunit nasaan na nga ba siya sa ngayon? Matapos mabuwag ng programang minsan na nating minahal dahil sa isyu ng ABS-CBN network at ng host nitong si Willie Revillame. Ngunit nasaan na nga ba si Luningning ngayon?





Si Lea Carla Santos o mas kilala ng nakararami bilang si Luningning ay isa na ngayong businesswoman na nagmamay-ari ng Stardanz Fitness Studio. Ang 33 taong gulang na mananayaw ay mula sa Cabuyao, Laguna at ayon sa ilang ulat hanggang ngayon ay single pa rin siya at abala sa pag-aasikaso ng kanyang fitness studio. Ayon pa sa ulat, mayroong iba’t-ibang uri ng sayaw na maaaring pagpilian ng mga nagnanais na pumunta sa kanyang fitness studio, ilan na riyan ay ang Belly Dance, Aerial Silk, Hoops, Dance Fitness, Stilletos, Jazz Dance, Pilates, and Kali Pole.

Naitampok rin siya sa kilalang men’s magazine na “FHM” noong 2008.

Tunay nga na kahit nawala siya sa spotlight ng gameshow ni willie ay patuloy pa rin siyang nangarap at nagsumikap sa buhay. Kung kaya naman walang duda ang mas marami pang tagumpay ang naghihintay para sa kanya.

Isang kahanga-hangang istorya at inspirasyon sa maraming Pilipino na minsan rin namang hindi nawalan ng pag-asa nang dahil sa Wowowee.




error: Content is protected !!