Kalusugan Ay Ingatan, Paggamit ng Cellphone Sa Gabi Ay Iwasan



Masasabing nasa panahon tayo kung saan ang teknolohiya ay nagiging kaakibat na ng ating buhay. Sa araw-araw na gawain ay kadalasan ang mga teknolohiya na ito ang tumutulong sa atin upang mapabilis ang mga gawain. Ang mga teknolohiyang ito ang nagiging katuwang natin upang magampanan ng maayos ang mga gawain.


Isa sa mga madalas nating gamitin ay ang Cellphone. Sa sobrang dami ng nagiging tulong nito sa ating buhay, at sa saya ng dulot ng paggamit nito, maituturing na parang parte na ito ng ating sarili. Kaya nga ang iba ay lubos na nagagalak kapag nakabili sila ng hi-tech na Cellphone dahil sa malaking tulong nito sa komunikasyon, libangan, pagiging kamera, at marami pang iba. Kaya naman kapag nawala ito, ang pakiramdam ay sobrang lungkot. Marami sa atin ay halos sa buong araw ay hawak-hawak ito. Kahit saan magpunta ay bitbit ang personal na gamit na ito. At madalas pa ay ginagamit din ang cellphone sa gabi na kung saan ay nakakatulog tayo ng katabi ito.



Ngunit di natin alam na may mga hindi magandang naidudulot ang Cellphone sa ating kalusugan. Isa dito ay ang paggamit ng Cellphone bago matulog sa gabi. Ang kadahilanan kung bakit ito ay negatibo sa kalugan ay dahil sa blue light na lumalabas na pumapasok sa ating mga mata.

Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang paggamit ng cellphone sa gabi ay hindi maganda sa kalusuhan:


1. Nakakasira ng Retina ng Mata


Maaaring mabulag ang isang tao sa sobrang pagtutok nito sa Cellphone. Dahil sa blue light na inilalabas ng mga gadgets, nagiging dahilan ito ng pagkasira ng Retina. Ang retina ay ang parte ng mata na kung saan tinatanggap nito ang mga ilaw na pumapasok upang maging neural signal papunta sa utak. Ang sobrang blue light na nanggagaling sa Cellphone ay nakaka-sira ng retina.


2. Nakakaapekto sa Pagtulog


Dahil sa pagkahilig natin sa paggamit sa Cellphone ay minsan ay hindi kaagad nakakatulog at hindi na namamalayan ang oras na nagreresulta ng pagkapuyat. Totoong nagbibigay ito ng aliw sa atin at talaga naman ang ibang mga naitutulong nito ay nakakatuwa. Katulad ng mga games, videos, music, at iba pa. Sa sobrang kasiyahan ay di na namamalayan na nagiging sanhi na ito ng pagkakulang ng tulog. Ang ilaw na lumalabas sa cellphone ay nakakaapekto sa produksyon ng melatonin na isang klase ng hormone na ang ginagawa sa katawan ay gawing regular ang ating pagtulog. Dahil sa kakulangan ng melatonin ay maaaring kulangin ang tulog na nagreresulta upang magkaroon ng ibang sakit.



3. Nakakaapekto sa iyong utak


Ang radiation na nilalabas ng mga Cellphone ay nakaka-apekto sa normal function ng utak at pati sa ating memorya. Dahil sa pagkapuyat at radiation ng Cellphone naaapektuhan ang pagdaloy ng dugo sa utak upang maapektuhan ang konsentrasyon at pagkakaroon ng ibang sakit.

4. Pagkapagod ng mga mata


Sa sobrang pagbabad natin sa mga gadgets, minsan ay nakakaramdam tayo ng pangangati at atin itong kinakamot. Minsan pa ay bigla nalang naluluha dahil sa sobrang pagkatutok sa mga gadgets. Ang sobrang pagkatutok sa mga ilaw ng gadgets ang nagiging dahilan ng pananakit ng mata na nagiging sanhi ng pagkabulag.



5. Pagkakasakit o higit pa


Sa sobrang pagka-tutok sa Cellphone ay nababawasan ang produkyon ng melatonin. Ang melatonin ay isang anti-oxidant na pumipigil at labanan ang pagkakasakit. Ngunit kung kinukulang na tayo ng melatonin maaaring madapuan ka ng sakit at baka mas lumala pa.

Totoong malaki ang tulong ng mga gadgets sa ating buhay lalong-lalo na ang Cellphone. Talaga namang ang hirap tanggalin ito sa sistema. Pero hindi pa ang huli ang lahat. Mas mahalaga pa rin ang ating kalusugan. Pangalagaan ang mata upang pagsisisi sa huli ay maiwasan.

Source:PhDailyUpdates




error: Content is protected !!