Marami ang nagulat sa post na ito ni Coco Martin tungkol sa kanyang “bahay-kubo”



Maraming taga-probinsya ang nagnanais at nangangarap na makapunta ng siyudad. Sa siyudad na puno ng oportunidad, malalaking gusali, at maraming establisyemento.



Ngunit hindi rin naman lingid sa kaalaman ng nakararami na ang siyudad ay kilala na sa polusyon, trapik, at mahal na mga bilihin. Samantalang sa probinsiya, nakakasabik ang sariwan hangin, “bayanihan” ng mga magkakapit-bahay, at higit sa lahat ang mga sariwang gulay at prutas.



Marami ang nabigla at humanga sa post ng pangunahing karakter sa “FPJ’s: Ang Probinsiyano” na si Coco Martin. Tunay ngang sikat na sikat na siya at hindi na mabilang ang kanyang mga commercial endorsements. Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan ay mas nais pa rin niya ng simpleng buhay kahit pa siya ay naninirahan na sa siyudad. Mayroong maliit na “bahay-kubo” si Coco Martin sa kanyang tahanan sa Quezon City kung saan napakaraming sariwang gulay, prutas at iba pang pananim. Katulad na lamang ng okra, pipino, sitaw, at ampalaya.



Ayon pa sa post ng aktor, “Magtanim po tayo para makatulong sa kalikasan.” Mayroon din namang sili, kamatis, mustasa, labanos, petchay, lettuce, sibuyas at carrots. Makikita na napaka-ayos at napakalinis ng hardin ni Coco Martin. Ayon pa sa kanyang post, “Napakasarap mabuhay ng simple.”

Sa kabila ng tinatamo niyang kasikatan, hindi pa rin siya nagsasawang mamuhay ng simple. Tunay nga na hindi lamang sa kalikasan malaking tulong ang kanyang ginagawa, ngunit sa marami ring tao at kanyang taga-hanga na maaari ring sumunod sa kanyang nasimulan. Hindi lamang pangtanggal stress ang pagtatanim na ito kundi pampalipas oras din. Mas makakasiguro ka pa na sariwa ang mga gulay at prutas na iyong kinakain pati na rin ng iyong pamilya. Nakakamangha talaga at nakakapukaw ng damdamin ang pagmamalasakit niyang ito sa ating kalikasan. Nawa ito ay maging hamon din sa ating lahat na magmalasakit at mahalin ang ating kalikasan.




error: Content is protected !!